Daily Tribune (Philippines)

JESSA ZARAGOSA, NAOSPITAL

- NI JOY ASAGRA

Dahil sa pananakit ng kanyang tiyan ay isinugod sa opsital nitong nakaraan ang aktres at singer na si Jessa Zaragosa at ang sabi ng mga doctor ay Acute gastoentir­itis with Mild dehydratio­n ang dahilan ng kanyang sakit.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng mang-aawit ang kanyang selfie habang nakahiga ito sa hospital bed nitong Miyerkules, November 23.

“Maiba naman na post. Ito hindi glamorous. Daming scheds yesterday, akala ko kaya ko nung hapon, pero sabi ko nung pagabi na, teka ‘Parang di ko yata kaya’. Di ko na keri!” saad ni Jessa. “Turns out it was Acute gastoentir­itis with Mild dehydratio­n. Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipi­t ako sa sakit. As in.”

Nang tanungin nga raw siya ng mga doktor sa emergency room kung gaano kasakit ang nararamdam­an niya ay sinabi niyang napakasaki­t.

“ER doctors asked me, ano yung level ng sakit from 1-10. Sabi ko 10. The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatit­is, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that,” sabi pa ni Jessa.

Mabuti na nga lang raw ay hindi ito ang case at marahil ay ang dahilan ng pagsakit ng kanyang tiyan.

“Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before may tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag multiply na siguro ang bacteria duon ng di ko nakikita,” sabi ni Jessa.

Nanghihina­yang pa nga ang aktres dahil may mga schedule siyang hindi nasunod at mga trabaho na dapat tapusin.

“I have to get better first. Sana as soon as possible. Ang hirap magkasakit. Lesson learned; Ingat sa mga kinakain, lalo na sa lagay ng pasta,” saad pa ng singer.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines