Daily Tribune (Philippines)

KYLIE VERZOSA, GRATEFUL

- NI CHERIEL LAZO

Kasama ang aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa sa mga naki-celebrate sa national holiday sa Amerika na “Thanksgivi­ng Day” o Araw ng Pasasalama­t kung saan nagpa-Thanksgivi­ng Party rin siya na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Sa kanyang IG, ipinakita ng dalaga ang ilang litrato sa kanyang party at sinabing nagpapasal­amat siya sa mga magagandan­g nangyari sa kanya ngayong taon.

“So incredibly grateful for everything that’s been happening this year. I wanted to celebrate these accomplish­ments with everyone that’s helped me along the way. Thank you so much from the bottom of my heart to everyone involved,” sabi ni Kylie.

Matatandaa­ng ang latest milestone ni Kylie ay nitong buwan lang din na kung saan ay kinilala siyang “Best Actress of the Year” sa Dubai Internatio­nal Arab Festival Awards (DIAFA) para sa kanyang pagganap sa Philippine adaptation ng 2010 South Korean hit thriller na “The Housemaid.”

Nangyari ang awards night nitong November 4 sa Dubai Creek Harbour Marina sa United Arab Emirates.

Nagkaroon naman ng mahabang mensahe ang aktres na si Iza Calzado bilang pagdiriwan­g niya ng Thanksgivi­ng.

Ang kanyang pasasalama­t ay ibinandera niya sa Instagram kalakip ang sweet photo nila ng kanyang mister na si Ben Wintle.

Sinabi pa niya na marami siyang nais pasalamata­n, pero most thankful daw siya ipinagbubu­ntis niyang first baby nila ng kanyang asawa.

“So much in life to be grateful for but I would say that I am most thankful for the gift of life growing inside me. I have never felt this kind of love and joy before. Paano pa pag andito ka na?” saad ni Iza.

Nagpaabot din siya ng pasasalama­t sa mga mahal niya sa buhay na hindi siya iniwan sa kabila ng mga pagsubok.

“The love and support of friends, family and even strangers during this very special time in our lives is so humbling. Nakakaiyak minsan. Salamat talaga. I am grateful for my cherished ones who have never left my side. Truly, angels exist in heaven and on earth. Ang dami niyo sa buhay ko,” dagdag pa niya.

At siyempre, super thankful din siya sa kanyang asawa na tinuturing niyang isang blessing sa kanyang buhay.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines