Daily Tribune (Philippines)

LOISA ANDALIO, NAG-CELEBRATE NG ANNIVERSAR­Y

- NI JOY ASAGRA

Kamakailan lamang ay nagbakasyo­n sa isang beach sa El Nido, Palawan ang celebrity real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte bilang celebratio­n para sa kanilang 6th anniversar­y kahit pa may mga kumakalat na “breakup rumors” tungkol sa dalawa.

Sa Instagram, ipinakita ni Loisa ang kanilang intimate dinner date na nasa beach. “life with you just keeps getting better… happy 6 years, thank you!I love you (red heart emoji) @iamr2alont­e To a lifetime of happy anniversar­ies,” sabi ni Loisa sa caption.

Pero bago ‘yan ay may serye na ng posts si Loisa ng kanilang pamamasyal sa Palawan day before ng kanilang anibersary­o.

May caption pa nga itong, “6 years tomorrow !!!!! ”

Maraming fans naman ang masayang bumati sa dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa mga komento.

Kung matatandaa­n, ipinagdiwa­ng ng celebrity couple ang kanilang anniversar­y last year sa beach naman ng Siargao.

Taong 2017 nang kinumpirma ng dalawa sa publiko na sila ay magkarelas­yon na. Unang nagtambal sina Loisa at Ronnie sa teleseryen­g “The General’s Daughter” noong 2019, at sumunod naman diyan ay ang “Unloving U” na ipinalabas noong nakaraang taon.

Nitong Mayo naman ang latest project nila together na pinamagata­ng “Love in 40 Days.”

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines