Daily Tribune (Philippines)

JANE DE LEON, BONGGA ANG BIRTHDAY PARTY

- Ni Cheriel Lazo

Hindi nagpadaig ang “Darna” actress na si Jane de Leon na ipinagdiwa­ng ang kanyang ika-24th birthday sa isang luxury resort sa Parañaque City nitong November 26 at sa kanyang IG, ipinakita ng dalaga na bukod pa sa kanyang mga pamilya at kaibigan ay talagang star-studded ang kanyang party.

Ilan lamang sa mga nandoon ay sina Julia Barretto, Gerald Anderson, Darren Espanto, Angel Aquino, Hayden Kho, Enchong Dee, Tim Yap, Paolo Gumabao, Zaijian Jaranilla, at marami pang iba.

Sa caption, lubos na nagpasalam­at si Jane sa mga nakisaya sa kanyang kaarawan, pati na rin ang mga taong ilang taon na siyang sinusuport­ahan. Wish niya raw na dumami pa ang blessings at mga bagong oportunida­d sa kanyang buhay.

“My night with family and friends was filled with fun and surprises. My heart is overwhelme­d because of these beautiful souls celebratin­g with me. I love you guys! (white heart emoji) So thankful to the many blessings God has given me. To the people who showed me their love and support all these years and made me who I am today, I love you! (sparkles emoji) Looking forward to more opportunit­ies and blessings in the years ahead (Folded Hands emoji)” sabi ni Jane.

Hindi rin niya nakalimuta­ng pasalamata­n ang mga naging abala sa pag-aayos at pag-oorganisa ng kanyang party.

“Lastly, the people behind the event, despite the lack of time and busy schedules you were still able to make my special celebratio­n a success. THANK YOU!,” ayon sa post.

Noong November 22 ang kaarawan ni Jane na kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang pictorial na suot ang isang bandana tube at green

pants na puno ng sequence.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines