JULIA BARRETTO, NAGULAT
Aminado ang aktres na si Julia Barretto na nagulat siya sa mga nararanasan niya ngayong isa na siyang independent single lady na solo na ang pamumuhay.
Dalawang taon nang nabubuhay ang dalaga nang mag-isa sa sarili niyang bahay na malayo sa kanyang inang si Marjorie Barretto pati na rin sa mga kapatid at ayon sa dalaga, marami nang naging pagbabago sa kanyang buhay niya sa loob ng dalawang taon lalo pa’t nagdesisyon siyang bumukod sa kanyang pamilya.
Sa isang panayam, sinabi ni Julia na super challenging ang nakaraang dalawang taon para sa kanya.
“I think the past two years have been the most challenging years of my life yet, only for the main reason na it was just about adapting to a lot of changes in my life and being brave enough and strong enough to withstand the transitions in my life. I don’t think any kind of change is easy. The older you get, the braver you become to accept change,” sabi ni Julia.
Dagdag pa niya, matagal-tagal na rin daw na siya ang nag-aasikaso sa pagbabayd ng kanyang bills mula pa noong ipagkatiwala ito sa kanya ng ina.
“Ang dami niya na kasing iniwan sa akin na duties and even the bills before, so ang dami ko lang ding na-discover sa sarili ko and natutunan,” sabi ni Julia.
Pero sa kabila nito, nasa-shock pa rin siya sa mga biglaang gastos sa kanyang bahay, lalo na kapag nagkakaroon ng sira o aberya ang ilang bahagi nito.
“Ang living expenses, hindi naman natatapos yan! Parang minsan, magugulat ka, ‘Ay, may nagli-leak! Ay, may nasirang ilaw, napundi! Ay, yung kitchen! Ay, yung gas! Ay, yung tubig! Ay, yung kuryente.’ I think it was nakakagulat. Parang, ‘OMG! Ito pala yung responsibilities!’ Like, you don’t expect it, you will just hear about it [before] but when you’re there na, iba siya, e. So, nagulat ako,” saad ng dalaga.