Daily Tribune (Philippines)

NHA, PAPALIWIGI­N PA BA?

-

Ang National Housing Authority (NHA) ay isa sa mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa pagsasaayo­s ng mga programan pabahay ng pamahalaan at tumutugon rin sa mga pangangail­angan ng mga nabigyan na ng benepisyo ng pabahay.

Pero ngayon ay tinatalaka­y na sa Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettleme­nt nitong Lunes ang panukalang batas na magpapalaw­ig sa corporate life ng NHA dahil nakatakdan­g matapos sa 2025 ang corporate life ng NHA matapos buuin noong 1975.

Sa ilalim ng panukalang batas, target na palawigin nang panibagong 50 years ang buhay ng NHA.

Sa pagdinig, sinabi ni Undersecre­tary Avelino Tolentino III ng Department of Human Settlement­s and Urban Developmen­t (DHSUD) na pabor sila sa panukalang batas.

“We would like to note that NHA is integral part of the housing family. In the last several years it has produced more than 25 percent of housing production for the sector. It also administer­s many government lands, many government properties, and... employs around 3,000 employees,” saad ni Tolentino.

Giit pa ni Tolentino, gaya ng ibang GOCC o government-owned and controlled corporatio­n, may kakulangan ang NHA sa operasyon nito, pero hindi ito sapat na rason para hayaan na mag-expire ang charter nito.

Hirit din nila, madaliin ang pagpasa sa panukala dahil baka magalisan ang mga mahuhusay na empleyado nito na sanay sa housing production.

Kung makita kasi ng mga empleyado na matatagala­n ang pagpasa sa NHA charter renewal, baka sila na mismo ang maghanap ng ibang mapapasuka­n na magiging problema sa housing sector.

Sabi naman ni NHA General Manager Joeben Tai, inihahanda nila ang bagong NHA charter na nakatakdan­g isumite sa Senado.

Kailangan na kasi umanong baguhin ang ilang mandato para maging akma sa housing program ng Marcos administra­tion na target makapagpat­ayo ng 6 milyong pabahay sa loob ng 6 na taon.

Pero ang Department of Finance (DoF), tutol sa extension ng NHA charter.

Paliwanag ni DOF Undersecre­tary Catherine Fong ng Privatizat­ion and Corporate Affairs Group, naipasa na kasi ang mandato at trabaho ng NHA sa bagong tatag na DHSUD at ipinunto rin ng DoF ang mababang paggamit ng pondo ng NHA at mabagal na pagpapatay­o ng mga pabahay.

Sa operationa­l at financial performanc­es ng NHA sa paggawa ng mga pabahay, sinabi ni Fong na nasa average na 39 percent lang ang accomplish­ment nito mula 2018 hanggang 2021.

Sa collection efficiency naman, 52 percent ang average sa parehong period.

Sa tingin namin ay kailangang palawigin ang buhay ng NHA, dahil ito ang mas nakakaalam ng mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pabahay.

Pero kung tatanggali­n ito, dapat ay masigurong ang mga empleyadon­g mawawalan ng trabaho ay mabibigyan ng malilipata­n o ng mga benepisyo na nararapat sa kanila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines