Daily Tribune (Philippines)

MADAM INUTZ, NAMAHAGI NG TULONG

- NI JOY ASAGRA

Nitong nakaraan lamang ay namigay ng maagang Pamasko ang YouTube vlogger na si Madam Inutz dahil nais umano niyang mapasaya ang mga residente na kamakailan lang ay sinalanta ng bagyo.

Namahagi siya ng Christmas food packs sa mga probinsya ng Cavite at Batangas.

Sa latest YouTube vlog, mapapanood na ilan sa mga pinamigay niya ay sako-sakong bigat at mga kahon ng relief goods.

“Mamimigay ang ka-freshness, Ka-Inutz at siyempre ka-Budol natin diyan. Siyempre pupunta kami ng Cavite…Magdadalaw­ang ano kami, magdadalaw­ang alis kami ngayong Friday at sa susunod is Sunday sa Batangas naman dadalhin ‘yung iba para siyempre kahit papaano ay maraming barangay ‘yung magkakaroo­n ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo,” saad ni Madam Inutz sa kanyang vlog.

Sinabi rin ni Madam Inutz na ginawan pa niya ito ng video upang magsilbing inspirasyo­n at magandang ehemplo na magbigayan ngayong paparating na ang Pasko.

“Gusto naming masaksihan ninyo ang aming mabuting layunin bilang mga influencer. Mga ka-Inutz, hindi namin binavlog ito dahil gusto naming magpasikat ha. Bina-vlog namin ito para naman, meron kaming memory. Eh siyempre, binabalikb­alikan namin ‘yung mga magagandan­g bagay na ginagawa namin para sa aming sarili, at siyempre masarap lang din sa feeling ‘yung nakakatulo­ng kami kahit papaano, o diba,” sabi pa niya.

Marami ang napasaya ni Madam Inutz sa kanyang vlog, hindi lang ang mga binigyan niya ng maagang pamasko, kundi pati rin ang kanyang fans na nanood ng kanyang vlog.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines