Daily Tribune (Philippines)

JULIE ANNE SAN JOSE, MAY BF NA?

- Ni Cheriel Lazo

Talagang pinakilig nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang mga fans lalo na noong umamin na umano ang dalaga na mahal niya rin daw si Rayver sa kakatapos lang nila na concert na “JulieVerse.”

Ipinost pa mismo sa Twitter ng Sparkle GMA Artist Center ang video na may nakakakili­g na eksena.

Saad pa nga ng singer-actress sa aktor, “Ang dami ng nagbago sa buhay ko simula nang dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you too.”

Kitang-kita sa video na kahit ang dalawa ay kinikilig sa isa’t-isa habang nasa stage.

May post din si Rayver sa kanyang instagram at ibinandera ang ilang sweet photos na bungad pa ang pagho-holding hands ng dalawa.

May nakalagay pa nga sa kanyang caption na, “This is just the beginning, welcome to our world (heart emoji)”

Maraming netizens naman ang umaasang magkatuluy­an na sana sina Julie Anne at Rayver.

Matatandaa­n noong Agosto ay umamin si Rayver sa showbiz podcast ng Entertainm­ent Correspond­ent na si Nelson Canlas na nililigawa­n niya si Julie Anne.

Nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa nitong taon, lalong-lalo na noong nagkasama sila sa “Limitless” concert ni Julie Anne noong Abril.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines