Daily Tribune (Philippines)

MGA GURO, NAGHAIN NG PANIBAGONG PETISYON PARA SA DAGDAG-SAHOD

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nagsumite ng isang petisyon ang Alliance of Concerned Teachers sa Palasyo nitong Martes upang hilingin ang dagdag-sahod ng mga guro.

Bitbit ng grupo ang mga kahon na may lamang mga dokumenton­g pirmado ng 60,038 public school teachers at educationa­l personnel na nagpapahay­ag ng suporta sa petisyon.

Ayon kay ACT Chairperso­n Vladimer Quetua, nais ng grupong itaas sa Salary Grade (SG) 15 ang sahod ng entry-level teacher mula sa kasalukuya­ng SG 11.

Nanawagan din ang grupong itaas sa P33,000 ang SG 1 para sa ibang empleyado ng gobyerno at dagdag na P1,100 sa minimum wage sa pribadong sektor.

“Hindi na makaaagapa­y ‘yong aming sahod na napakaliit at malayong-malayo sa family living wage,” saad ni Quetua.

“Kung tatanggali­n pa ‘yong government taxes at mga utang niya (guro) ay karamihan ang average na sahod ng mga guro na lamang ay P7,000 to P8,000,” dagdag pa niya.

Kaniya-kaniyang diskarte na umano ang mga guro para lang may pantustos sa araw-araw na gastusin at mapagkasya ang maliit na sahod.

“Hindi lang ‘yan may nagpa-part-time, ‘yong iba nga pinapaupah­an ‘yong kanilang bahay,” sabi ni Quetua.

‘”Yong isang co-teacher ko nga, nagtitinda ng banana cue at kamote cue pagkatapos niya magturo,” dagdag niya.

Nanawagan si Quetua kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang hinaing ng mga guro, lalo’t papalapit na ang Pasko.

Lalahok sa malawakang protesta sa Miyerkoles ang ACT kasabay ng pagdiriwan­g ng Bonifacio Day upang igiit ang panawagang umento sa sahod.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines