Daily Tribune (Philippines)

KYLIE PADILLA, PUWEDE PANG MAG-DARING

- NI JOY ASAGRA

Aminado ang aktres na si Kylie Padilla na kaya pa niyang magpaseksi at magpaka-daring sa mga susunod niyang projects sa GMA 7 dahil handa na siya sa mga palaban at matatapang na roles dahil gusto niyang mag-try ng mga karakter na malayo sa kanyang comfort zone at mas magbibigay ng matinding challenge sa kanya.

Very soon ay mapapanood na uli si Kylie sa telebisyon matapos ang hit primetime series niyang “Bolera” kung saan nakasama niya sina Rayver Cruz at Jak Roberto.

Ngayon nga ay naghahanda na ang anak ni Sen. Robin Padilla sa bagong action-series ng GMA kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Arra San Agustin, Michelle Dee at Rochelle Pangilinan.

“Kaya naman ako nag-artista para maging ibang tao e. I mean, hindi naman dahil sa fame kaya gusto kong maging isang artista,” sabi ni Kylie.

“Sinabi ko rin ‘yun sa mga manager ko, sa mga handler ko, ‘Try naman natin ‘yung mga character na kakaiba kasi gusto kong tumalon, gusto kong magbago bilang isang tao, and matuto sa mga character na ‘yun. Yes, I’m ready. If it calls for it, ready naman. Pero hindi naman dahil sa gusto kong mag-daring. Depende sa character talaga. Kung kailangan sa character na ‘yun bigyan natin ng justice,” dagdag niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines