Daily Tribune (Philippines)

JULIE ANNE SAN JOSE, MAY BF NA

- NI JOY ASAGRA

It’s official: Si Julie Anne San Jose na at si Rayver Cruz na.

Iyan ay ayon sa pahayag ng manager ng aktor na si Albert Chua.

Umugong na kasi ang balitang sila na nang magkaroon ng nakakakili­g na eksena sa concert ng dalaga na JulieVerse.

“Naalala mo nu’ng birthday mo, sinabi ko naman sa ’yo kung anong nararamdam­an ko. Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much,” sabi ni Rayver. “Gusto ko lang sabihin na sobrang thankful ako sa ‘yo. Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nu’ng dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you, too,” sagot naman ni Julie Anne.

Just last May, during Julie Anne’s San birthday celebratio­n ay nag-declare na ng kanyang pagmamahal si Rayver sa dalaga.

“Blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me. You inspire everyone, especially me,” say ni Rayver.

Pinasalama­tan din niya ang pamilya ni Julie Anne for allowing him to court her sa bahay.

“Gusto ko magpasalam­at sa iyo, sa pamilya mo. Thank you po sa pamilya ni Juls, sa mga kapatid kasi nakakabisi­ta ako sa inyo,” he said.

Willing maghintay si Rayver sa sagot ni Julie Anne kahit gaano pa ito katagal. “Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihinta­y ako kahit gaano katagal.

“Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,” say niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines