Daily Tribune (Philippines)

BAKIT NGAYON LANG

-

Hindi maikakaila na talaga namang nakagugula­t ang tinuran ng retiradong boxing referee na si Carlos Padilla tungkol sa naging laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Australyan­ong si Nedal Hussein noong 2000.

Ayon kasi sa kuwento ni Padilla, talagang tinulungan niya umano si Pacquiao upang manalo sa naturang laban.

Inilahad pa ng retiradong boxing referee ang pagpapabag­al ng bilang nang mapabagsak ni Hussein si Pacquiao sa Round 4.

Siyempre, nagdulot ito ng agam-agam ngayon sa career ng Pambansang Kamao dahil isa umano itong uri ng pandaraya.

Kaya naman bumuo na ng special panel ang World Boxing Council para pag-aralan ang mga pahayag ni Padilla at ayon pa sa pangulo ng WBC na si Mauricio Sulaiman, may natanggap silang sulat mula umano sa anak ni Padilla na si Suzy.

Sa liham na naka-post sa website ng WBC, sinabi ng panganay na anak ni Padilla na may edad na ang kanilang ama na 88-anyos na ngayon.

Dahil second language lang niya ang Ingles, posible raw na ma-misinterpr­et ang mga naging pahayag nito.

Aniya pa, disente at marangal na lalaki ang kanyang ama na inilaan ang kanyang buhay sa larangan ng boxing.

Humihingi rin siya ng konsideras­yon para kay Padilla na aniya’y naging malaki ang kontribusy­on sa boxing community.

Nauunawaan daw ni Sulaiman ang pagsulat ng anak ni Padilla. Sa ngayon, susundin daw muna nila ang proseso at hindi na rin muna magbibigay ng komento ang WBC.

Sa ganang amin, mukhang dapat talagang pagaralang mabuti ang mga naging pahayag ni Padilla, dahil baka naman dahil sa kanyang edad ay hindi na niya alam kung ano talaga ang kanyang sinasabi.

Nakapagtat­aka lamang dahil bakit ngayon lang nagsalita ang retiradong boxing referee lalo pa’t kaka-induct pa lamang niya sa hall of fame.

Sana ay magkaroon ng linaw ang kontrobers­iyang ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines