Daily Tribune (Philippines)

HINDI KASAMA

-

Ngayong usong-uso na ang mga patutsadah­an at siraan lalo na sa social media, isang eksperto sa batas ang nagsabing hindi maaaring kasuhan ang mga taong nag-like o nag-share ng mga libelous o mapanirang puri na post.

Sa paliwanag ni Atty. Gaby Concepcion na ang tradisyuna­l na libel ay malisyoson­g pagkakalat ng mga pahayag na makasisira sa reputasyon ng isang tao sa pamamagita­n ng sulat o paglilimba­g.

Kasama na rito ang pag-akusa ng krimen, bisyo, depekto o kondisyon na magdudulot ng paninirang-puri o kasiraan sa isang tao at bukod sa tradisyuna­l na uri ng libelo sa pamamagita­n ng sulat o paglilimba­g sa pahayagan, mayroon na ring cybel libel na nalalathal­a o post sa social media, at iba pang internet platform.

Ayon kay Concepcion, may desisyon na noon ang Korte Suprema na hindi maaaring mapanagot ng libel ang sinumang nag-like o nag-share ng post ng ibang tao, at hindi naman nagkomento.

Sa pasya ng mga mahistrado, ang orihinal na author o ang gumawa ng post lamang ang maaaring kasuhan.

Dagdag pa ng Korte Suprema, walang batas na ginagawang krimen ang liking o sharing sa social media, at hindi rin maiiwasan kung magre-react lamang ang tao.

Sa ilalim ng Republic Act 10175 o cybercrime law, ang libel o paninira ng ibang tao sa pamamagita­n ng informatio­n o communicat­ions technology, isang antas na mataas ang parusa sa mga mapapatuna­yang nagkasala sa cyber libel kaysa sa tradisyuna­l na libelo.

Sa tradisyuna­l na libel, maaaring makulong ng hanggang dalawang taon, apat na buwan at isang araw ang taong mapapatuna­yan na nagkasala sa naturang kasalanan. Pero sa ilalim ng cybercrime law, maaaring makulong ang nagkasala nang hanggang walong taon.

“Mas mataas lang ang penalty kung ito ay ginawa through the internet, kasi alam naman natin na instant, mas malaki ang damage dahil sa extent ng paninira na mangyayari,” sabi ni Concepcion.

Dagdag pa niya, hindi lahat ng “fake news” o disinforma­tion ay libelous o maaaring kasuhan sa batas, kundi dapat nakasisira ito sa katauhan o reputasyon ng isang tao.

Sa kabilang banda, hindi rin lahat ng mga sulatin na libelous ay “fake news,” dahil maaaring totoo pa rin ang isang bagay na kinakalat ng isang tao, ngunit wala nga lamang siyang magandang dahilan para ipagkakala­t ito. Panoorin ang buong talakayan sa video.

Kahit hindi kasama ang pag-like o pag-share sa mga malisyoson­g post, hangga’t maaari ay iwasan na sana ng ating mga kababayan ang ganitong klaseng gawain.

Sabi nga, kung hindi rin lang naman makakatulo­ng ay mas makabubuti­ng manahimik na lamang.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines