Daily Tribune (Philippines)

TULOY ANG PANATA

-

Sa kabila ng mga paghihirap na nararanasa­n ng ating mga kababayan ngayong mga panahon na ito, hindi pa rin nawawala ang pananampal­ataya ng sambayanan na umaasang matutulung­an sila kaugnay sa kanilang mga problema.

Bukod kasi sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahin­g bilihin, pagsirit ng presyo ng krudo at ilan pang mga pagkain sa bansa, nariyan pa rin ang banta ng pandemya na hanggang ngayon ay mas lalo pa yatang dumarami ang subvariant­s.

Kaya naman ang ilang mga deboto ng mga simbahan sa bansa — lalo na ng Black Nazarene sa Quiapo na nalalapit na ang kapistahan — hindi pa rin bumibitaw sa kanilang pananampal­ataya.

Para sa mga “Hijos del Nazareno” na pumoprotek­ta sa Black Nazarene sa Quiapo Church sa tuwing sinasampah­an ito ng mga debotong nais mahawakan, mayakap at mahalikan ito, tuloy pa rin ang kanilang panata para sa poon.

Ilang araw bago ang kapistahan, naghahanda na ang lahat ng mga Hijos upang gabayan at magbigay ng direksyon sa mga deboto kung saan dadaan ang andas.

Bago ang pandemya, libo-libong deboto ang sumasama sa Traslacion at ang mga Hijos ang nagsisilbi­ng mga timonero o tagapagbig­ay ng direksiyon sa mga namamanata.

Ngayong nagluluwag nang muli ang mga alert level restrictio­ns at ang pagsusuot ng mask, inaasahang daragsa na naman ang mga deboto ng Itim na Nazareno upang humiling at ipagpatulo­y ang kanilang mga panata.

Wala naman sigurong masama kung magpuntaha­ng muli ang libo-libong mga deboto ng Itim na Nazareno lalo na at sabik na ang mga deboto na makitang muli sa personal ang mahal na poon.

Kailangan lamang masiguro na hindi magiging supersprea­der event ang Traslacion upang hindi na muling malubog pa sa mga lockdowns ang Metro Manila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines