Daily Tribune (Philippines)

SUNSHINE DIZON, NAGBABALA

- NI JOY ASAGRA

Hindi na napigilan ng aktres na si Sunshine Dizon na buweltahan ang isang isang scammer na ang modus ay ipakalat ang sex video ng kanyang biktima para makakuha ng pera.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng aktres ang kanyang babala sa madlang pipol upang maiwasan at maging aware ang mga ito sa naturang scammer.

“Warning from a concerned girl: You probably know who I’m talking about. Some of you had sex videos with this person you probably trusted but it’s now being shown around, could be from the past unfortunat­ely was not deleted. Beware of this disgusting and evil person,” saad ni Sunshine.

Paglilinaw naman niya sa caption, maswerte siya na hindi siya naging parte ng mga videos na ito.

Bukod rito ay nagbibigay rin si Sunshine ng babala sa mga influencer­s at social media personalit­ies patungkol sa lalaking nag-aalok na mag-promote o mag-invest sa isang “unestablis­hed” online gaming site.

Marami na raw ang naengganyo rito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ang pangakong bayad ng lalaki.

“If you are being convinced or considered to promote for new and upcoming unestablis­hed gaming online sites that has not proven stability for years DO NOT JOIN! This man will promise you and sweet talk you into it. But truth is he ran with millions of pesos from people he owes and to this day has not paid a single centavo. An old sick lady invested 1 million and since December he has not given her the promised 5% interest. Another person invested 2.8 million and til now has not received anything but excuses,” sabi pa niya.

Ibinahagi rin ni Sunshine ang breakdown ng pagkakauta­ng ng lalaki. Samantala, isang netizen naman ang nagkomento sa kanyang post at sinabihan siyang maglabas ng pruweba kung totoo ito at huwag manira ng buhay.

“Wag makisawsaw malinaw na sinabing YOU KNOW WHO IM TALKING ABOUT kung di mo kilala di para sayo ang warning. Kung kilala mo naman magdemanda ka,” buwelta ni Sunshine.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines