Daily Tribune (Philippines)

TAPOS NA ANG AYUDA

-

Mukhang kailangan na namang maghigpit ng sinturon ng ating mga mahihirap na kababayan dahil nitong Miyerkules ay kinumpirma na ang Department of Finance (DoF) na tapos na ang Targeted Cash Transfer o TCT program para sa mga mahihirap na pamilyang lubhang naapektuha­n ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Kung matatandaa­n, sinimulan noong Hulyo ng nakaraang taon ang buwanang pamimigay ng P500 bilang tugon ng pamahalaan sa pagsipa ng presyo ng mga bilihin kaugnay ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

May sumatotal na P18.3 bilyon ang naipamigay na ayuda sa 9.2 milyong household beneficiar­ies.

Bukod sa mga benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, nakinabang din ang mga Pilipino na mababa ang kinikita at mga pamilyang mahihirap na hindi kasama sa 4Ps.

Pero ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nakababawi na ang ekonomiya ng Pilipinas at nagiging stable na ang presyuhan ng langis sa world market kaya pagtutuuna­n naman ng pansin ang seguridad sa pagkain at pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ng kagawaran na bumaba na ang presyo ng langis noong Disyembre 2022 kompara noong Marso 2022.

Pagdating naman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sinabi ng DoF na nagkakapro­blema sa supply dahil bumabalik na ang sigla ng domestic consumptio­n kasunod ng pagbubukas ng mga industriya.

Base sa joint memorandum para sa TCT program, anim na buwan lang talaga magtatagal ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng programa at nilinaw rin ng DoF na panandalia­ng solusyon lang ito at nakadepend­e kung may pondo ang gobyerno.

Pero tuloy pa rin ang pagbibigay ng fuel subsidy sa transport sector na may pondo nang P3 bilyon para sa 2023.

Habang gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang paghihirap ng ating mga mamamayan, hindi naman siguro masama kung hihimukin rin natin ang ating mga kababayan na

News C entral

Concept magsikap pa lalo upang makaahon na sa hirap. WALANG TAKOT WALANG PABOR

Elmer N. Manuel Editor

Newspapers in English

Newspapers from Philippines