Daily Tribune (Philippines)

PULIS, MAY LEAD SA PINASLANG NA BABAE SA LAS PIÑAS

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ng Las Piñas City police station nitong Miyerkules na mayroon na umanong lead ang mga otoridad sa suspek sa pamamaslan­g sa isang babae na natagpuan sa loob ng abandonado­ng kotse sa Las Piñas City.

Ayon kay Gladys Biare ng Las Piñas City police station Intelligen­ce section, may mga nakalap nang kuha ng CCTV ang pulisya pero tumanggi muna siyang magbigay ng detalye at dagdag niya, nagpapatul­oy pa ang imbestigas­yon, partikular ang backtracki­ng sa mga rutang dinaanan o pinanggali­ngan ng babe bago siya natagpuan sa crime scene.

Kung matatandaa­n, natagpuan nitong Martes na may tama ng bala sa ulo ang biktima habang nakaupo sa loob ng sasakyan na iniwan sa bahagi ng C-5 Extension.

“We found out na ‘yung victim nasa loob habang naka-on pa ‘yung makina... Tiningnan ko agad ‘yung gasolina, halos wala nang laman so more or less matagal na doon naka-park. Nakita namin na may mga dugo siya sa ulo tsaka sa flooring,” saad ni Las Piñas City police chief Col. Jaime Santos.

Nakuha sa crime scene ang basyo ng bala, na ayon kay Santos ay posibleng galing sa 9-millimeter pistol, at ang slug o tingga sa flooring ng driver’s seat.

“Ni-reconstruc­t namin mismo ‘yung area at lumalabas na bumaba muna ‘yung driver bago siya binaril. Ang tama niya kasi sa ulo,” ayon kay Santos.

Ayon sa pulisya, ang 29-anyos na babaeng biktima ay isang skincare specialist na residente ng Tondo, Maynila.

Samantala, nakuhaan na ng pahayag ng Las Piñas police ang may-ari ng sasakyan kung saan natagpuan ang biktima.

Ayon sa pahayag ng may-ari ng sasakyan, Disyembre 26 pa nawawala ang kanyang TNVS na sasakyan dahil kinuha ito ng kanyang kapatid na lalaki.

Pinahiram niya sa kapatid ang sasakyan para magkaroon ito ng pangkabuha­yan pero mula noon ay hindi na niya nakita ang sasakyan na pinamamasa­da ng kanyang kapatid.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines