Daily Tribune (Philippines)

JENNICA GARCIA, NAGPAPAKA-TOTOO

- NI JOY ASAGRA

Aminado ang aktres na si Jennica Garcia na talagang mabigat ang mga pinagdaana­n niya itong nakaraang taon at nawalan na umano siya ng pagasa noon na makabalik sa mundo ng showbiz kaya naisipan na niyang mangibang-bansa at mag-OFW.

At kahit pa kasama na siya sa latest Kapamilya drama series na “Dirty Linen,” inamin ni Jennica na hindi siya handpicked sa ginagampan­an niyang role bilang Lala, unlike her co-stars na talagang pinili ng network.

“Bale seven years po akong nag-artista. Seven years din po akong tumigil. Pagbalik ko po nakagawa ako ng isang proyekto tapos wala na pong sumunod and it was almost six months of no work,” sabi ni Jennica.

Ayon pa sa kanya, nagbabalak na siyang magtrabaho sa ibang bansa at maging OFW, dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang dalawa niyang anak.

“Iniisip ko na rin po nu’n na okay lang kapag hindi ako mabigyan. Mag-o-OFW na lang po ako. Ito lang ang alam ko na trabaho e, ang pag-aartista. Ang isa ko na lang pong naiisip ay mag-ibang bansa,” saad ng aktres.

Dito raw niya naisip ang advice ng kanyang award-winning actress na inang si Jean Garcia na subukan niyang mag-reach out sa ABS-CBN. Sey ni Jennica, nilakasan niya ang loob na kausapin sa pamamagita­n ng Viber ang Dreamscape Entertainm­ent executive na si Deo Endrinal.

“Wala po akong kilala sa ABS. Hindi ko po makalimuta­n ‘yung sinabi sa akin ni mama dati, matagal na ‘yun. Sabi niya, ‘Anak, just in case na maisip mo na gusto mo with ABS-CBN, gusto ko alam mo na Sir Deo is a very trusted friend of mine. You can go to him.’ Nu’ng time po na ‘yun naisip ko, sige ito na kakapalan ko na ‘yung mukha ko. Alam ko na they didn’t think of me when our writers were making Lala into the character that she is today. Pinag-igihan ko po talaga kasi para sa ‘kin ang dami kong kailangan patunayan at ayoko mapahiya si Sir Deo,” sabi pa ni Jennica.

“Ang goal ko ang maiisip ng mga boss ko, ‘tama, dapat siya nga si Lala,’” dagdag pa niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines