Daily Tribune (Philippines)

MGA PINOY RESCUER SA TURKEY, TULOY ANG TRABAHO

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ng ilang mga Pinoy rescuers sa Turkey na nasa mabuting kalagayan sila habang patuloy ang kanilang pagtulong sa pagsagip sa mga natabunan ng lindol sa Turkey.

“As of now naman po. Okay naman po kami, lahat po kami na Pilipino na rescuer,” ayon kay Bryan Farenas at ayon sa kanya, tuwing alas-9 ng umaga ay dini-dispatch ang grupo para tumulong sa rescue sa mga residentia­l area na apektado ng lindol.

“Pagka nag-detect na po yung live detector, meron po isang pamilya na pasisigawi­n namin, para po kung magrespond sila is malalaman po, made-detect po ng life detector at doon malalaman na kung gagamit kami ng snake eye or vibroscope para masilip namin sila sa loob, sa makikitid na concrete po na nakatabon po sa kanila,” saad ni Farenas.

Ayon sa rescuer, ang pinakamati­nding kalaban ng mga biktima ngayon ng lindol ay ang hypothermi­a o pagbagsak ng temperatur­e ng katawan dahil sa labis na lamig ng paligid.

“Dahil din po sa klima dito na sobrang lamig, right now it’s -2, ang lamig po dito…tapos natatabuna­n pa sila ng mga bato so ang isa po is hypothermi­a ang talagang kalaban namin dito,” dagdag niya.

Maski si Farenas ay aminado na nahihirapa­n silang magtrabaho sa gitna ng lamig.

“Napakasaki­t po sa aming part as rescuer dahil nandito nga po kami, at talagang pinipilit po naming na kahit na ano ay masagip po sila, kahit na ano po mangyari. Kahit na sobrang lamig ay maligtas namin sila…masakit sa loob po na makita ang mga victim na wala nang buhay naming nakukuha,” sabi pa niya.

Problema rin ang language barrier o pagkakaiba nila ng wika sa mga ibang rescuer sa Turkey.

“Minsan hindi po kami nagkakaint­indihan ng mga ano, though may mga translator din pero may mga problema rin na minsan hindi kami nagkakaint­indihan din po ng mga, dahil minsan habang nag-iiscan kami, meron po palang tao na nandoon sa ibang lugar na maingay,” dagdag pa niya.

Pero ayon sa survivalis­t na si Dr. Ted Esguerra, nakatataba ng puso ang pagmamahal at pasasalama­t na ipinapakit­a sa kanila ng mga taga-Turkey.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines