Daily Tribune (Philippines)

DAPAT IMBESTIGAH­AN

-

Nitong nakaraan ay napabalita­ng mayroong isang chartered flight patungong Dubai na umano’y hindi dumaan sa inspeksyon kaya naman nagsasagaw­a na ng imbestigas­yon ang Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) kaugnay sa insidente.

Batay sa paunang imbestigas­yon, sinabi ng MIAA na kumpleto sa entry-exit clearance ang flight N9527E noong Pebrero 13 mula sa Civil Aviation Authority of the Philippine­s (CAAP).

Mayroon din umano itong aircraft exit clearance mula sa police Aviation Security Group (AVSEGroup) at dumaan sa MIAA para sa pagpasok ng mga sasakyang lulan ang mga pasahero papunta sa Balagbag ramp.

Ito ang mga paunang impormasyo­ng nakalap ng MIAA mula sa Globan Aviation Corporatio­n na ground handling company ng naturang chartered flight.

Dumaan din sa Bureau of Immigratio­n (BI) ang mga pasahero, ayon sa MIAA.

Pero nanindigan ang AVSEGroup na hindi dumaan sa kanilang pre-flight inspection ang chartered flight bago makalipad.

“We were not allowed to conduct the pre-flight inspection, that’s why I reported this incident to the concerned agency,” sabi ni AVSEGroup chieif Col. Rhoderick Campo.

Ayon kay Campo, mandato ng AVSEGroup na gawin ang preflight inspection lalo’t may intelligen­ce report na natanggap ang kanilang opisina.

“There was an intelligen­ce report from a confidenti­al informant that there will be undocument­ed aliens who will travel going to other countries,” ayon kay Campo.

Humiling na ang AVSEGroup ng full investigat­ion sa MIAA, Office for Transporta­tion Security, CAAP, at Bureau of Immigratio­n kaugnay ng insidente.

Tumanggi rin namang magbigay ng pahayag ang operations manager ng Globan Aviation Corporatio­n pero handa umano silang makipagtul­ungan sa imbestigas­yon.

Hindi dapat palampasin ang insidente na ito, dahil hindi lamang seguridad ng ating mga paliparan ang nakasalala­y dito kundi maging ang ating imahe bilang isang bansa na may matibay na aviation processes upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines