Daily Tribune (Philippines)

SUSPENDIDO MUNA

-

Bilang paghahanda sa Holy Week, inihayag ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority na wala suspendido muna ang number-coding scheme sa National Capital Region (NCR) mula April 6 hanggang 10, mga araw na idineklara­ng holiday.

Ang April 6 at 7 ay Maundy Thursday at Good Friday. Habang ang April 10, na Day of Valor sa Lunes ay isang regular holiday.

Ayon sa MMDA, magtatag ito ng multi-agency command center (MACC) sa metrobase simula sa April 3 para matiyak ang payapa at mabuluhang paggunita ng Holy Week.

“Through this inter-agency action center, we can monitor real-time updates on bus terminals across Metro Manila to ensure safer travel of the commuting public and orderly traffic flow in our roads as we observe the Holy Week,” ayon kay MMDA acting chairman Atty. Don Artes.

Ang MACC ay bubuuin umano ng kinatawan mula sa MMDA, Department of Transporta­tion, Department of Public Works and Highways, Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board, Inter-Agency Council for Traffic, Land Transporta­tion Office, Philippine National Police, at local government units, ayon sa MMDA.

Magpapatup­ad ng “No Day Off, No Absent Policy” ang MMDA sa kanilang ma tauhan sa April 5, 6, at 10, para matiyak na sapat ang kanilang puwersa sa naturang mga araw.

Magkakaroo­n naman ng skeletal deployment sa April 7, 8, at 9, na tututok sa mga lugar na pinagdadau­san ng Visita Iglesia, kabilang ang Panata Route sa Antipolo at Grotto.

Maganda ang hakbang na ginagawa ngayon ng MMDA dahil kahit may ilang linggo pa bago ang Semana Santa ay puspusan na ang kanilang ginagawang paghahanda para makatulong sa mga mamamayang balak magbakasyo­n sa mga probinsya para sa long weekend.

Nawa’y maging ligtas ang lahat sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines