Daily Tribune (Philippines)

PALABOY, PATAY SA PAMAMARIL

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Iniulat ng pulisya na isang palaboy na lalaki ang namatay matapos umanong pagbabaril­in ng hindi pa nakikilala­ng salarin sa Caloocan City noong gabi ng Sabado.

Ayon kay Police Capt. Joselito Santos, base sa paunang imbestigas­yon, nakatayo ang 21 anyos na biktima sa isang madilim na sulok sa may Barangay Bagong Silang nang biglang paputukan nang ilang beses ng hindi pa nakikilala­ng gunman.

“Mayroon siyang ginagawang mga bagay gaya ng biglang yumayakap sa mga tao. Tinitingna­n sa mga anggulo na ‘yon kung nagkaroon ng sama ng loob sa kaniya,” sabi ni Santos.

Narekober naman sa crime scene ang 3 basyo ng bala.

Sa ibang balita, aabot sa halos P26 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Caloocan City noong Sabado.

Dalawa ang naaresto, kabilang ang tulak na si alyas “Edwin” na nagbabgasa­k ng ilegal na droga sa iba-ibang lugar sa Metro Manila, ayon kay Col. Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan police.

Ikinasa ng mga pulis ang operasyon matapos makatangga­p ng impormasyo­ng pupunta si “Edwin” sa Caloocan at nasa 3,800 gramo ng hinihinala­ng shabu na nagkakahal­agang P25.8 milyon ang nakumpiska umano sa mga suspek.

Ayon kay Lacuesta, hindi matitinag ang mga pulis sa paghuli sa drug suspects kahit pa pinagbabar­il at hinagisan ng granada ang drug enforcemen­t unit ng Northern Police District noong nakaraang linggo.

“Hindi po tayo titigil kahit na sabihin na mayroon pong ganyang na mga insidente ay mas lalong nandoon ‘yong motivation na talagang mas aggressive pa ‘yong ating gagawin,” sabi ni Lacuesta.

Naghigpit na rin ng seguridad ang pulisya sa kanilang tanggapan para tiyaking hindi na mauulit ang insidente.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines