Daily Tribune (Philippines)

NAMARIL SA TANZA TRAFFIC ENFORCER, SUMUKO

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Iniulat ng mga otoridad na sumuko na nitong Martes ang dalawang suspek umano sa pamamaril sa isang traffic enforcer sa Tanza, Cavite nitong nakaraan.

Sinabi ng pulisya na kusang-loob na sumuko umano ang dalawa kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Hindi na muna pinayagan ang media na makausap ang dalawa dahil wala pa silang abogado at pansamanta­la rin munang mananatili ang mga suspek sa Tanza Municipal Police Station.

Kung matatandaa­n, gabi ng Linggo ng barilin ng motorcycle rider ang enforcer sa harap ng isang mall at batay sa imbestigas­yon ng Tanza police, minura ng 37 anyos na pangunahin­g suspek ang biktima kaya pinahinto siya nito sa tabi ng kalsada.

“Under the influence of liquor ang suspek. Ang instinct ng ating enforcer, nabastos, nagpe-perform ng kaniyang official functions, flinag nila itong suspects,” saad ni Maj. Dennis Villanueva, officerin-charge ng Tanza police.

“Sa pag-flag nila, doon nila nakita ‘yong violations [ng suspek] na walang helmet, walang OR-CR and the likes, and doon na nagkaroon ng heated argument,” dagdag niya.

Ayon kay Villanueva, dalawang beses nang nakasuhan ang suspek pero parehong na-dismiss ang kaso.

“Mayroon siyang record na double murder. Naifile ito noong 2020 kaya lang for unknown reasons hindi na-prosper ‘yong kaso, na-dismiss. Mayroon din siya illegal possession of firearms through search warrant noong 2019 naman, hindi rin nagprosper,” sabi ni Villanueva.

Trauma naman ang sinapit ng ibang traffic enforcer na naroon nang maganap ang insidente dahil pati sila’y tinangkang barilin.

Magbibigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa pamilya ng biktima.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines