Daily Tribune (Philippines)

PRISCILLA MEIRELLES, MAHINAHONG RUMESBAK SA NEGAZENS

- NI CHERIEL LAZO

Bagama’t bumuwelta ang aktres at dating beauty queen na si Priscilla Meirelles sa mga negazens na patuloy na bumubuwisi­t sa kanya, ginawa niya ito with class at style fit for a former beauty queen.

May ilang mga negazens kasi ang humirit sa isang bagong post ni Priscilla na nagsabing malapit na umanong ipagpalit ang aktres ng kanyang asawang aktor na si John Estrada.

Nag-post si Priscilla ng kanyang mga litrato sa kanyang Instagram account na may caption na, “Perfection is overrrated” at marami namang pumuri rito.

Pero may isang netizen ang humirit ng kabulastug­an. “Mlpt kna plitn Kabahan kna (laughing with tears emoji),” saad ng netizen sa comment.

Pero imbis na pagsabihan ng kung ano-ano ay sinagot ni Priscilla ang hater ng “laughing with tears” emoji at pagkatapos nito ay kinuyog na ng IG followers ng dating beauty queen ang basher at pinagsalit­aan din ng maaanghang ng komento.

Pero hindi natinag ang basher at sumagot pa ng, “Wow c Janice Nga Pinalitan Aftr How Many Years Sya pa Kaya (laughing emojis) mlpt na Ma Expired.” Na siguradong ang tinutukoy ay ang ex-wife ni John na si Janice de Belen.

Mukhang hindi na rin nakatiis si Priscilla sa sagutan ng kanyang followers at ng hater kaya naman nag-react na rin siya hinggil dito.

“(S)ending Love and prayers your way po. It saddens me that you think that way and you get out of your way to say such things,” sabi ni Priscilla kasunod ang tatlong Bible verse na may konek sa galit at pagmamahal.

Pagpapatul­oy ni Priscilla, “Neverthele­ss I just want to let you know God loves you and I am praying for you. 1 John 4:16 NIV.

“[16] And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them.

“Proverbs 10:12 NIV…’[12] Hatred stirs up conflict, but love covers over all wrongs.

“1 Peter 4:8 NIV…’[8] Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins,” mensahe pa ng asawa ni John.

Nauna rito, nag-post din si Priscilla ng short video sa Instagram kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang anak na si Anechka, na 11 years old na ngayon.

Kuha ito sa isang Japanese restaurant na may caption na, “Bonding with my 2 partners in crime over good Japonese Food. #weekendvib­es #family.”

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines