Daily Tribune (Philippines)

BANTA NG AI PAGHANDAAN

-

Isang nakababaha­lang balita ang umano’y pagpalit ng teknolohiy­ang artificial intelligen­ce sa maraming uri ng trabaho. Ang AI ay ang kakayahan ng mga computer na gayahin ang abilidad ng tao na mag-isip at kumilos tulad ng pagsasalit­a, pangangatw­iran, pagtuto, pakikisala­muha sa kapaligira­n, paglutas ng problema at kahit ang pagiging malikhain. Ang mga kumpanya o negosyo ay inaasahan na gagamit nito imbes na tao upang makatipid at mas maging efficient ang operasyon.

Sa pinakabago­ng ulat tungkol sa banta ng AI sa mga propesyon, apat na milyong trabaho sa South Korea ang nakikitang mapapalita­n ng AI sa susunod na dalawang dekada batay sa pag-aaral na ginawa ng bangko sentral ng nasabing bansa na inilabas kahapon.

Sa pag-aaral ng Bank of Korea, mga duktor, abugado, accountant at kimiko ang papalitan ng AI.

Mga trabahong mataas ang sweldo at manggagawa­ng may mataas na antas ng edukasyon ang mas nangangani­b na mapalitan ng AI dahil kayang gawin ng teknolohiy­a ang kanilang kakayahang mag analisa at mag-isip, ayon sa pag-aaral.

Kabilang na rin ang mga trabahong may kinalaman sa pagsusulat tulad ng pamamahaya­g at paggawa ng nobela ang mapapalita­n ng AI. Naririyan na ang ChatGPT at mga bersyon nito ng Facebook, Google at X. Ang ChatGPT ay kayang magsulat ng balita o nobela. Mayroon ngang hukom na gumawa ng desisyon sa tulong ng AI.

Ang mga propesyon naman na hindi nangangani­b mapalitan ng AI ay iyong nasa larangan ng relihiyon, serbisyong pagkain at pagtuturo, ayon sa pagsusuri.

Sa ulat na BOK, lilikha naman ng bagong trabaho ang AI tulad ng mga inhinyero na bubuo at mag-aalaga sa mga makina at negosyong AI. Subalit hindi gaano karami ang malilikhan­g bagong trabaho.

Dapat paghandaan na ngayon ng gobyerno kung paano tutulungan ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa AI upang hindi ito humantong sa krisis at kaguluhan.

Kailangang malaman ang epekto o impact ng AI upang makabuo ng contingenc­y o tugon sa suliraning idudulot nito.

Marami pa ring mamamayan ang walang trabaho. Kung madaragdag­an pa ang bilang na ito, mas lalala ang kahirapan sa bansa.

Hindi naman nag-iisa ang Pilipinas sa banta ng AI. Lahat ng bansa ay apektado nito at ang ilan ay nagsimula nang magpulong upang harapin ang banta sa mga trabaho ng teknolohiy­a.

Marahil ay dapat mag-pokus na ngayon ang pamahalaan sa paglikha ng propesyon na hindi maaapektuh­an ng AI.

Hindi biro ang mawalan ng trabaho ang isang mamamayan. Lalong hindi biro kung sobrang daming mamamayan ang walang trabaho dahil maraming pamilya ang magdurusa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines