Daily Tribune (Philippines)

JULIA BARRETTO AT JULIE ANNE SAN JOSE, KABUGAN SA ALINDOG

- CHIKA -DIVA ALWIN IGNACIO

Ang dalawa sa pinaka-tanyag na babaing artista ng kasalukyan­g henerasyon, sina Julie Anne San Jose at Julia Barretto, ayaw paawat ang kabugan sa alindog!

Ang Asia’s Limitless Star, si San Jose, gumulantan­g ang bagong kulay na buhok, blonde is beautiful ang drama ng babaeng tinatangi ni Rayver Cruz.

Sa totoo lang, bagay na bagay kay Julie Ann ang kanyag blonde-colored crowning glory. Lumutang ang kanyang alindog. At mas umigting ang pagiging katakam-takam.

Ang bagong kulay na buhok ay mas lalong nagpa-ganda sa mang-aawit na may bagong kantang inilalako para sa lahat, ang “Something”.

Ang kanyang kasintahan­g totoo, si ginoong Cruz, ang reaksyon sa iniirog ay: “Super gorgeous.” Ang reaksyon naman rito ni binibining San Jose: “Thank you my love, super sweet.”

Siyempre pa, ang mga umiidolo kay Julie Anne, todo ang suporta at papuri sa fabulous blonde transforma­tion nito. Tunay ngang mala-Filipina Barbie Doll na buhay na buhay ang Kapuso singing prinsesa.

Marami rin ang masaya sa mainit ang pagtanggap at panonood sa pelikula niyang “The Cheating Game” nung ito ay itinanghal sa NetflixPH.

At sa tuwing ito ay nagiging hurado sa “It’s Showtime” palagiang mainit at aprubado ng madlang pipol ang kanyang presensya at kagandahan, sa totoo lan

Samantala, ang pretty young miss Julia, inilunsad bilang calendar girl ng isang pamosong inumin. Classy at seductive ang mga pang-uring ginagamit para ilarawan ang mga larawan ni La Barretto.

Siyempre pa, palong-palo ang career push na ito ni Julia at siguradong ang mga barakong totoo, pagkakagul­uhan ang kanyang kalendaryo­ng. Tiyak na tiyak na marami rin ang magsasabin­g kay palad na tunay ni Gerald Anderson, ang lalaking nagpapatib­ok at nagmamay ari sa puso ni Barretto. Ang panalo pa kay ginoong Anderson, in full support ito at proud jowa sa panalong-panalong calendar girl pasabog.

Hindi na nakakapag-taka ang reinventio­n na ito ni Julia dahil nga sa Jason Paul Laxamana’s “Expensive Candy” eh ipinamalas na niya na siya ay maalindog at may kakayahang mangrahuyo. Slim is the best form of being sexy ang paandar ni Barretto.

Ang panalo pa sa payanig na ito ni Julia, pahiwatig ito sa lahat na may silbi at saysay ang kanyang pagiging artista, tunay na may luningning at estrella ang kanyang bituin. Handanggan­da siyang lumaban sa kanyang mga ka-kontempora­ryong sina Kathryn Bernardo, Nadine Luste at Liza Soberano.

Sa pagandahan at pagalingan nilang apat, ang pagiging calendar girl ni Julia at ang kompanyang sinugulan at nagtiwala sa kanyang rikit at kakayahang kilitiin ang imahinasyo­n ng mga kalalakiha­n sa merkado at pangmalaka­sang bilhin ang kanilang produkto, ay patotoo na still in the running ang babaing minsan ay minahal ni Joshua Garcia sa showbiz queendom giyera.

Sa totoo lang, nakakatuwa na pinapakita nila Julie at Julia ang powerful feminine side nila. Tunay silang magiging panalong inspirasyo­n sa mga kababaihan lalo na sa aspektong pag-aalaga sa mga sarili at mga katawan, at sa tunay na lakas at kapangyari­han ng mga kababaihan.

 ?? ??
 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines