Daily Tribune (Philippines)

KARELASYON NI CAMILON, KAKASUHAN

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ng Philippine National Police-Internal Affairs Service na dalawang kasong administra­tibo ang kinakahara­p ng pulis ng umano’y karelasyon ng nawawalang beauty queen ng Tuy, Batangas na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, kabilang sa kinakahara­p ni Police Major Allan de Castro ay kasong conduct unbecoming of an officer na bunga umano ng pakikipag-relasyon ni de Castro kay Camilon kahit na may asawa na siya.

Una rito, sinabi ni Criminal Investigat­ion and Detection Group Director Romeo Caramat na inamin ni De Castro kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang pakikipag-relasyon niya kay Camilon.

Nasa summary dismissal proceeding­s na umano ang naturang kaso na inaasahang matatapos ngayong buwan.

Ang ikalawang administra­tibong kaso na kinakahara­p ni de Castro ay kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ni Camilon, na kaparehong reklamo na isinampa laban sa kaniya ng PNP bilang isa sa apat na person of interest.

Ayon kay Triambulo, kung mapapatuna­yang guilty sa kasong administra­tibo si de Castro, masisibak ang pulis sa serbisyo at aalisin ang lahat ng kaniyang benepisyo.

Kabilang dito ang pagkawala ng kaniyang retirement pay, at hindi na rin papayagang magtrabaho sa gobyerno.

Sa nakaraang ulat, sinabi ni Camarat na nakaharap ni Acorda si de Castro sa Camp Crame noong Miyerkules.

Bagama’t inamin umano ni De Castro kay Acorda ang relasyon nito kay Camilon, pinili naman nitong manahimik nang tanungin kung may kinalaman siya sa pagkawala ng beauty contestant at guro.

Sinabi umano ni De Castro na nasa tanggapan siya ng pulisya sa Batangas nang araw na mawala si Camilon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines