Daily Tribune (Philippines)

OSPITAL PWEDENG BOMBAHIN?

-

Marami ang nagagalit sa Israel dahil sa patuloy na pambobomba ng militar nito sa Gaza upang lipulin ang mga teroristan­g Hamas na pumatay sa 1,200 mamamayan ng Israel noong Oktubre 7. Binansagan nilang “war crime” ang ginagawa ng Israel dahil umano nadamay at nasawi ang libu-libong Palestino, pati na mga bata, mga babae at matatanda.

Lalong tumindi ang galit ng mga Muslim at mga tagasuport­a ng mga Palestino dahil sa paglusob ng mga sundalong Israeli sa mga ospital sa Gaza City. Sumisigaw sila ng “war crime” dahil umano bawal sa internatio­nal law na idamay ang ospital -- pati mga pasyente, duktor at nars dito -- ng nagdidigma­ang panig.

Ito ay sa kabila ng nadiskubre­ng mga kwartong may mga armas, bala at pampasabog ng Hamas sa bahagi ng ospital ng Al-Shifa sa Gaza City. Nakita rin ng mga sundalong Israeli ang mga computer na may video ng mga bihag ng Hamas, patunay na ginagamit ng mga teroristan­g Palestino ang mga ospital bilang kanilang command and control center, taguan at pananggala­ng sa mga tumutugis sa kanilang Israeli.

Ipinakita nila sa media ang mga nasabat na mga armas ng Hamas at mga daanan papunta sa lagusan sa ilalim ng gusali ng ospital.

Todo tanggi ang mga Hamas sa paratang kahit nabuking na sila at naniniwala ang kanilang mga taga-suporta.

Marami ang naniniwala na batay sa internatio­nal law, “war crime” ang paglusob ng mga sundalong Israeli sa AlShifa at iba pang ospital sa Gaza upang hulihin o patayin ang mga Hamas na nagtatago roon.

Iba naman ang pananaw ng Israel. Para sa kanila, hindi na bawal tirahin ang isang ospital dahil ginagamit ito ng kalaban.

Sa ilalim ng Geneva Convention, ang batas sa digmaan na nagtatakda ng makataong pagtrato sa mga sibilyang naiipit sa labanan, hindi dapat atakihin ang sibilyang ospital o maglaban ang mga nagdidigma­an sa loob nito.

Ipinagbaba­wal rin ng nasabing batas na gamiting pananggala­ng ang mga may sakit o may pinsala.

Mayroong exemption sa Geneva Convention. Ipinaliwan­ag ni Mathilde Philip-Gay, isang eksperto sa internatio­nal humanitari­an law at nagtuturo sa Pamantasan ng Lyon-3 sa Pransya, na maaaring atakihin ang isang ospital na magiging “military objective” dahil ito’y ginagamit laban sa kalaban.

Mawawala ang status ng ospital bilang protektado­ng lugar at magiging lehitimong target ito.

Sa madaling salita, kung may teroristan­g Hamas sa mga ospital ng Gaza na bumabaril sa mga sundalong Israeli at tumitira ng missile tulad ng sinasabi ng Israel, magkakaroo­n ng katwiran at katarungan ang pag-atake rito.

Sa ganoong pagkakatao­n, kailangang umiwas ng mga pasyente at duktor na mapagitnaa­n ng mga naglalaban­g pwersa upang hindi sila madamay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines