Daily Tribune (Philippines)

Jennica Garcia, naging emosyonal

- Ni Joy Asagra

Naging emosyonal ang aktres na si Jennica Garcia sa isang panayam kung saan napagusapa­n ang kanyang pagiging isang single mom.

Sa kanyang panayam kay Karen Davila kasama ang kanyang ina na si Jean Garcia ay nausisa siya tungkol sa kanilang paghihiwal­ay ng asawang si Alwyn Uytingco.

Pagkukuwen­to ni Jean, binigyan niya noon ng payo si Jennica na kung kaya pang ayusin ang kanilang samahan ay ayusin pa ito ngunit irerespeto niya pa rin kung anuman ang magiging desisyon ng anak.

Ngunit pag-amin ng aktres, wala na siyang planong ayusin pa ang relasyon nilang muli.

“Nalaman ko na hindi na ako magme-make ng effort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year to try,” sabi ni Jennica.

Ang sinasabing “another year” ng aktres ay noong 2021 kung saan nagdesisyo­n silang ayusin ang kanilang pagsasama ngunit unfortunat­ely ay hindi rin naging successful.

“Gusto ko rin pong ibigay kay Alwyn na noong bumalik naman siya, ok naman. Kumbaga, nakita ko naman ‘yung willingnes­s niya. Sa totoo lang po parang ako na po ‘yung problema after noong one year,” dagdag niya.

Sabi pa ni Jennica, hindi naman sila nagkaroon ng away o kung anumang conflict sa loob ng isang taon pero na-realize niya na wala na talaga.

“Hindi ko po napansin na sa one year na po palang ‘yun, parang nagmu-move on na po pala ako nang hindi ko alam. Kaya feeling ko po nung sinabi ko po sa kanyang ‘Pasensya ka na. Ayoko na’, nagulat rin siya kasi para sa kanya walang pinaggalin­gan kasi ok naman kami. Ang problema, kapag tinuloy ko pa, hindi ko makikitang enough ‘yung sarili ko,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Jennica, alam niya sa sarili niyang ibinigay niya ang kanyang 200% habang kasal sila.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines