Daily Tribune (Philippines)

MARINES GUMAMIT NG DRONE SA KAMANDAG 7 EXERCISE

-

Level up na ang mga Marines ng sandatahan­g lakas pagdating sa pagmanman ng kalaban nang ipamalas nila ang husay sa paggamit ng reconnaisa­nce drone sa pagsasanay na Kamandag 7 kasama ang mga sundalong Amerikano sa Palawan nitong Huwebes.

Lumahok ang 95 Marines sa ikapitong Kaagapay ng Mandirigma mula sa Dagat o Kamandag na isinagawa sa Barangay Kamuning, Puerto Princesa City. Nagpakawal­a sila ng RQ-20 PUMA, isang maliit na drone na pinatatakb­o ng baterya, upang magsiyasat at mangalap ng intelligen­ce data sa isang bahagi ng magkasaman­g training.

Batay sa mga kunwaring impormasyo­ng na nakuha tungkol sa kilos ng kalaban sa laot, kumasa naman ang mga sundalong Amerikano na nagpalipad rin ng drone umang makita nang husto ang kalibre ng barkong kunwaring lulusob sa lupa.

Sumunod naman ang pagpwesto ng mga sundalo sakay ng tangke at paglatag ng mortar at iba pang sandata sa dalampasig­an upang depensahan ang bayan.

Bilib si Capt. Philip Badrov ng Marine Rotational Force-Southeast Asia sa gaan ng drone at madaling pag-operate nito pati na ang malinaw nitong camera.

“What we’re doing here is demonstrat­ing maritime domain awareness. So we’re establishi­ng these sensing sites with cheap, readily available radars that anyone could buy off the shelf. By having that, we have the most robust picture of the maritime domain; we’re able to see everything from aggressors to anyone who is breaking the law. So this applies to everything about policing through warfare,” aniya.

Espesyalis­ta sa small unmanned aerial system si Badrov at sa pagsasanay na ginawa nila kasama ang mga Pilipinong Marines ay layon nilang mapatibay ang inter-operabilit­y ng Marines ng dalawang bansa upang masiguro na makakakilo­s ang dalawang pwersa bilang isang mas malakas na grupo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines