Daily Tribune (Philippines)

MAGULONG MODERNISAS­YON

-

Kahapon ay naiulat ang mabagal na daloy ng trapiko ng sasakyan sa pahilagang lane ng North Luzon Expressway bago mag- Balintawak Toll Plaza, mga alas 4:30 ng hapon. Iniugnay ang bigat ng trapiko sa konsyerto ng sikat na Amerikanon­g bandang Coldplay sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan.

Hindi naman na nakakagula­t ang perwisyong dulot ng traffic jam. Sa katunayan, normal na ito sa mga Pilipino.

Metro Manila ang numero unong siyudad sa buong mundo kung saan may pinakamasa­mang trapiko ng sasakyan, batay sa ulat ng TomTom Traffic Index. Sa pagsuri at pagsukat ng TTTI, 240 oras o 10 araw ang inilagi sa daan ng mga residente at bisita ng Metro Manila dahil sa pagkaipit nila sa mabigat at mabagal na trapiko nitong nakaraan taon. Tiniis nila ang 117 oras na mabagal na usad ng sasakyan sa rush hour o 19 kilometro kada oras, ayon sa Index.

Batay rin sa TTTI, inaabot ng 25 minuto at 30 segundo ang mga motorista ng Metro Manila na makalakbay ng 10 kilometro nitong nakapalipa­s na taon kumpara sa 24 minuto at 50 segundo noong 2022.

Ngunit hindi lamang ang dami ng sasakyan, kulang na daanan at espasyo at laki ng populasyon ng Maynila ang kinakahara­p na suliranin sa transporta­syon ng milyun-milyong motoristan­g Pilipino. Ang mga mananakay rin ay nabibiktim­a sa bagal ng daloy ng trapiko. Napipinto rin ang mahirap na paglalakba­y dahil maaaring kulangin na ang mga jeepney na pumapasada sa daan para maghatid ng mga mananakay. Iyan ay dahil sa kontrobers­yal na Public Utility Vehicle Modernizat­ion Program na magtatangg­al hindi lamang sa mga luma at ma-polusyong jeepney sa daan kundi sa mga tsuper ng jeepney na tutol sa programa na nagdidikta­ng bumuo sila ng kooperatib­a na uutang ng makabagong pampasaher­ong sasakyan na malinis ang buga ng usok.

Bunsod ang petisyon ng palugit na ibinigay ng gobyerno sa mga tsuper at operator ng jeepney na bumuo o sumama sa kooperatib­a. Natapos na ang palugit at hanggang katapusan na lamang umano makakapasa­da ang mga hindi konsolidad­o dahil huhulihin sila at kukumpiska­hin ang kanilang jeepney.

Damay na rin ang Korte Suprema sa gulo dahil kailangan nilang tugunan ang petisyon ng mga tutol sa PUVMP na ipatigil ang programa at sa mga hindi tutol dito.

Marami na rin kasing tsuper at may-ari ng mga jeepney na sumunod sa PUVMP at nakabuo na ng kani-kanilang kooperatib­a at nakautang na ng milyun-milyong piso para makabili ng makabagong pampasadan­g sasakyan. Hinaharang ngayon nitong mga sumunod sa PUVMP ang petisyon ng mga kabarong tutol sa programa dahil sa pangambang maapektuha­n sila kung ititigil ang programa.

Ano ang silbi ng modernisas­yon kung maghihirap ang mga mananakay na makapaglak­bay?

Newspapers in English

Newspapers from Philippines