Daily Tribune (Philippines)

MGA PIRMANG ‘BAYAD’ KINONDENA NI VP SARA

- Ni Sebastian Navarro

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na nagpapatul­oy pa rin umano ang pangangala­p ng mga pirma na may koneksyon sa People’s Initiative para sa Charter change hindi lamang umano sa Davao kundi maging sa iba pang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Duterte, ang insidente ay hawig umano sa pamimili ng boto ng ilang mga politico tuwing may eleksyon.

“Ito ay pagsasaman­tala sa kahirapan ng ating mga mamamayan at kawalan ng respeto sa kanilang karapatan na magdesisyo­n nang malaya, walang takot, o impluwensy­a gamit ang salapi,” saad ni Duterte.

“Para sa mga Pilipino, alalahanin din natin na maaaring ang sukli sa suhol kapalit ng pirma sa people’s initiative ay may seryosong konsekwens­iya sa ating buhay, kalayaan, at kinabukasa­n,” dagdag niya.

Nitong nakaraan ay ilang mga mambabatas ang nagsabi na nangangala­p umano ng pirma sa mga komunidad kapalit ng pera at may ilang nagsasabi na ginagamit umano ang mga subsidy mula sa pamahalaan upang mahimok ang mga mamamayan na pumirma.

Nakakakuha rin umano ang Commission on Elections ng mga papel na may mga pirma umano para sa People’s Initiative upang amyendahan ang 1987 Constituti­on.

Sa ilalim ng Konstitusy­on, ang mga amendments ay maaaring isulong ng mga mamamayan “through initiative upon a petition of at least 12% of the total number of registered voters, of which every legislativ­e district must be represente­d by at least 3% of the registered voters therein, a mode called people’s initiative.”

“Our election officers are checking page by page to make sure that the tally on the number of signatures affixed is correct, so they are able to ensure that they issue the correct certificat­ion [on the number of signatures. Kindly give us until Friday to know how many cities and municipali­ties have submitted signature pages so far,” saad ni Comelec chairman George Garcia.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines