Daily Tribune (Philippines)

DANIEL PADILLA NAGHIHIRAP NA?

- UNCUT ALEX BROSAS

Naghihirap na ba si Daniel Padilla? ‘Yan ang nagkakaisa­ng tanong ng netizens sa social media matapos nilang mapansin na tila sunud-sunod ang pagbebenta niya ng kanyang properties.

Una, ibinenta ni Daniel ang kanyang sportscar na binili ng isang gaming enthusiast sa halagang P6 million.

And then, ipinagbibi­li naman ni Daniel through her mom Karla Estrada ang kanilang bahay sa halagang P50 million.

With that, marami ang nag-react. Naghihirap na raw ba si Daniel? At pati ang bahay na kanyang ibinibenta ay nilait din. Luma daw tingnan at wala raw swimming pool kaya mahal ito sa P50 million.

“Huh, so naubos agad savings niya? Or wala na talaga siyang trabaho? Bat parang scripted.”

“Bakit nagbebenta na siya ng mga ari-arian? Magmamigra­te naba sya abroad? Well, marites lang naman ako na nagwowonde­r.”

“Wala namang swimming pool tapos 50m? Daming mas mura, sa magandang subdivisio­n din at may pool pa.”

“Agreed. Or maybe it’s just not my style. If I were to spend 50M on a house, not on this one.”

“I agree with the others, it’s a nice house but seems a bit too pricey for P50M.”

“Marami na mararating ng 50M with pool etc nice interior, modern kitchen. Lumang bahay at design na to bakit naging 50M, benta na cgro nya bago pa sya maging tuluyang nega at baka wla pa bumili mext time pag mayado na sya nega.”

Ang isa pang chika about Daniel, nawalan daw ito ng apat na endorsemen­t. Supposedly, dalawa sila ni Kathryn Bernardo na magsasama sa apat na endorsemen­ts kaya lang ay nag-decide na raw ang mga ito na si Kathryn na lang ang kunin.

Aray!

***

Kaloka itong si Rosanna Roces. Wala pa rin siyant takot.

We’re saying this kasi itsinika ba naman niya sa finale mediacon ng Pira-Pirasong Paraiso na nakita na niya ang private part ni Joseph Marco na kasama niya sa series.

Unang itsinika ni Osang na naging magkaibiga­n sila ni Joseph FPJ’s Ang Probinsyan­o.

“Pati ano niya, nakita ko na. Pinapakita naman kasi sa akin. Tinitingna­n ko naman. Pero walang malisya ‘yun. Mahal ko ‘yan,” tsika ni Osang.

Hindi naman na-offend si Joseph sa revelation ni Osang.

“I love working with Ms. O. Sobrang maasikaso siya especially kapag nagustuhan kaniya kasi ano’yan,eh, black and white’yan. If ayaw ka niya, ayaw ka niya. If gusto ka niya, gusto ka niya,” say ni Joseph.

Sa isang ambush interview na nangyari right after the mediacon, ikinuwento ni

Osang kung paano niya nakita ang private part ni Joseph.

“Nagsa-sunbathing siya noon. Kumakain ako. Sabi ko, ‘Seph, kanin lang ito. Wala bang ulam? Kapiranggo­t na lang, ‘wag mo na ipagdamot. Ayun na,” say niya.

Ang “Pira-Pirasong Paraiso” ay isang coproducti­on series mula sa ABS-CBN at TV5 at ito ay sa ilalim ng direksyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag.

Sa huling dalawang linggo ng “Pira-Pirasong Paraiso,” nangangani­b ang matagal nang pinapangar­ap na hiling ng Paraiso sisters na mabuo muli ang kanilang pamilya dahil mas pinalakas pa ni Criselda (Rosanna Roces) ang kanyang pwersa, kasama sina Jacinda, Badong, at Hilary (Snooky Serna, Epy Quizon, at Elisse), upang maghiganti at pabagsakin sina Amy, Beth, at Diana (Loisa, Alexa, and Diana).

Dahil sa malaking dagok sa kanilang buhay, magkaroon pa kaya ng happy ending ang love story sa relasyon ng sweetheart­s na sina Amy at Jonaf (Ronnie), ang mag-ex na muling nagkabalik­an na sina Diana at Vlad (Joseph), at ang engaged couple na sina Beth at Elon (KD)?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 2 PM at kada Sabado ng 3 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines