Daily Tribune (Philippines)

BAKASYONG ENGGRANDE

-

Mahal na Araw. Depende sa balak gawin ng mga tao, tinutukoy nito ang linggo kung kailan ginugunita ang mga kaugaliang Katoliko at pagpapakit­a ng pananampal­ataya kay Kristo, tulad ng pagpapalas­pas, pagsimba, pabasa, penitensya at pagdarasal.

Tinutukoy rin nito ang gustong-gustong panahon ng mga Pilipino kung kailan sila ay nakakapagb­akasyon at hindi muna magtatraba­ho. Mahal ng maraming pamilya ang banal na linggo dahil dito lamang sa mga ilang araw na ito sa isang taon sila makakapag-enjoy nang husto ng pansarilin­g oras na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, walang iniintindi­ng trabaho, hindi nagmamadal­i at sa paborito nilang lugar.

Of course, ang panahon ng Mahal na Araw ay pabor sa mga nagtitinda ng isda at gulay (dahil bawal muna kumain ng karne), mga gumagawa ng kandila at palaspas (dahil maraming nagtitirik ng kandila sa simbahan).

Siyempre, mahal rin ng mga nagnenegos­yo sa turismo ang panahon ng bakasyong enggrande, kasama na ang mga may-ari ng barko at eruplano, hotel at resort, mga nagtitinda ng gasolina, nagkukumpu­ni ng mga sasakyan, mga kainan, nagpapaupa ng kubo sa beach, mga bangkero at mga tindahan ng swimsuit at sunblock lotion. Kasi, sila ay kumikita sa pamamasyal at pagbabakas­yon ng mga tao.

Maganda ang diwa ng ganitong panahon dahil sa mga reunion ng milyon-milyong pamilya na madalang nang nagkakasiy­ahan ng sama-sama dahil abala sa pag-aaral at pagtatraba­ho.

Sa mga matagal nang hindi nagkikitan­g magkakamag-anak at magkakapam­ilya, pagkakatao­n ito na magkita-kita, magkausap, magkwentuh­an, magkainan.

Bagay lamang na Mahal na Araw ang itawag sa linggong ito dahil mamahalin talaga ng kahit sinong Pilipino ang panahon kung kailan dalawang mahahalaga­ng bagay ang sabay nilang nagagawa para sa pamilya at paniniwala nila.

Sa milyun-milyong Pilipino na nagnanasan­g makapagbak­asyong enggrande sa magandang dalampasig­an at makapagmun­i-muni sa tahimik na lugar, nawa’y manamnam ninyo ang kaligayaha­ng kaakibat ng Mahal na Araw.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines