US LEGISLATORS SUPORTADO ANG PINAS SA WPS ISSUE
Inihayag ni United States Senator Kirsten Gilibrand na kaisa ng Pilipinas ang Amerika kaugnay sa patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea partikular ang ginagawa nitong pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas.
Sinabi ni Gilibrand — na siyang nanguna sa US Congressional delegation na nagcourtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang – na kaisa sila sa alalalahanin ng Pilipinas sa isyu ng WPS.
Kung matatandaan, nagkaroon ng bagong insidente sa Ayungin Shoal kung saan muling binomba ng water canon ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa mga sundalo na naka station sa BRP Sierra Madre.
Mariing kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang ginawang pangha-harass ng China Coast Guard.
Samantala, ikinalugod naman ni Marcos ang pagbisita ng mga Amerikanong mambabatas at umaasa na ang kanilang pagtungo sa bansa ay magiging produktibo.
Ang pagbisita ng mga Amerikanong mambabatas ay sa kalagitnaan ng nararanasang topsy-turvy political cycle ng bansa.
Lubos naman nagpsalamat si Gilibrand sa patuloy na pakikipag kaibigan ng Pilipinas sa US na isang matatag na partner sa ekonomiya.
Nais ng US na palakasin pa ang ugnayan sa energy, minerals at commerce.
Binigyang-diin ng US senator na nais pa nilang lumago ang ugnayan ng dalawang bansa.
Kinilala din nito ang malaking ambag ng milyong Filipino sa ekonomiya ng Amerika na kanilang kinukunsidera na mga kapatid.
Anim na US senators at Isang taga House of Representatives ang nag courtesy call sa Presidente kabilang sina Senator Kirsten Gillibrand, Senator Jeanne Shaheen , Senator Roger Marshall, Senator Mark Kelly, Cynthia Lummis, Senator Michael Bennet at Representative Adriano Espaillat.