Daily Tribune (Philippines)

IBON MAN MAY LAYANG BUMOTO

-

Magsisimul­a na ang paggawa ng mga makinang gagamitin sa pagbilang ng boto sa pambansang halalan sa susunod na taon. Ang 110,000 vote counting machine ay gagawin sa South Korea, ayon sa Komisyon ng Halalan.

Nagsimula na rin ang pagrerehis­tro ng mga bagong botante, tanda ng paghahanda sa pagdaraos ng halalan para sa 12 mababakant­eng puwesto sa senado at para sa pagpili ng mga bagong pinuno ng mga lokal na pamahalaan tulad ng alkalde at gobernador.

Malamang, naghahanda na rin ang mga kakandidat­o lalo na sa paglikom ng malaking pondo para sa pangangamp­anya o “pagligpit” sa inaasahang makakatung­gali nila.

Naghahanda na ang mga imprenta at mga pabrika ng t-shirt na gagawa ng mga materyales sa pangangamp­anya.

Siyempre, abala ang Komisyon hindi lang sa pagkilatis ng mga ginagawang makinang pambilang ng boto sa halalan upang masiguro na hindi ito papalya at makakapand­aya. Nagrerehis­tro rin ang ahensya ng mga bagong botante para sa darating na halalan. Alisto ang mga tauhan ng Komisyon upang hindi malusutan ng mga manlolokon­g nagpapareh­istro, iyong mga tinatawag na double registrant o flying voter, at mga hindi karapat-dapat o hindi eligible na bumoto.

Alisto naman sila dahil hindi nila nirehistro ang mga menor de edad na nagpapareh­istro bilang bagong botante sa Camp Abubakar sa Sultan Kudarat, Maguindana­o del Norte nitong Martes.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, may mga 15 at 16 taong gulang ang nagtangkan­g magparehis­tro sa kampo na sa tingin niya ay maling naabisuhan na hindi para sa Sanggunian­g Kabataan ang registrati­on doon. Hindi sila nirehistro dahil hindi pa sila maaaring bumoto sa regular na halalan.

Ginarantiy­a ni Garcia na hindi makakaluso­t ang mga ganoong modus dahil alam na nila ang mga teknik ng mga nananamant­ala. Sinabi niya na kung noon ay kahit ibon o kung sinuman ay nakakarehi­stro o nirerehist­ro sa isang lugar, hindi na iyon mangyayari.

Ang mga tauhan ng Comelec ay sinanay sa masusing pag-alam ng edad ng mga aplikante ng rehistrasy­on at sa pagbeberip­ika ng mga dokumenton­g pinapakita ng mga nagpapareh­istro kung tunay ang mga ito kaya hindi sila bastabasta malulusuta­n ng mga “sindikato” at nagtatangk­ang mandaya.

Sa madaling salita, walang ibon ang makakaboto. Makakalipa­d ito pero hindi ito mairerehis­tro bilang botante.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines