Paano sasaya kung baon sa utang? by Bwisitin si Besh

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - PHER MENDOZA

HELLO, Besh Pher.

I am Lyn from Marikina City. I need some help para lang mapanatag ang kalooban ko. Ano bang nararapat kong gawin? Nagkaroon kasi ako ng sakit sa lungs at medyo malaki po ang nagastos naming magasawa para gumaling ako. Nagkautang-utang na kami.

Ngayon po, gusto ko nang bumalik sa trabaho para makatulong sa mga gastusin at makabayad sa utang. Ayos na ang pakiramdam ko at kaya na ng katawan kong mag-work. Ang kaso ayaw pa akong papasukin sa trabaho ng mister ko dahil baka raw bumalik ang aking sakit. Lyn Hi Lyn, thank you for your message. Sa tingin ko ay dapat palakasin mo muna ang katawan mo at tibayan ang iyong kalooban. Makakalampas din kayo sa pagsubok na 'yan.

Unahin mo ang tuluyang pagpapagaling sa sarili at ingatan ang iyong kalusugan para makarecover nang husto.

I admire your husband. Di bale na siyang maghirap sa kakatrabaho masiguro lang na lalakas ka at gagaling. And all you need to do now is to be strong for your husband, magsilbing inspirasyon sa kanya.

I think 'yon ang kinakailangan ninyo. Ipakita mo na lumalaban ka sa karamdaman at magkaroon ng positibong disposisyon sa buhay. A little sense of humor goes a long way too. Pasalamatan mo si hubby at iparamdam sa kanya ang iyong pagmamahal sa kabila ng pagsubok. Huwag din kalimutan ang magdasal.

**** Email Besh Pher at librepamore@gmail.com for your hearts problem and she will get

back to you.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.