KAPALARAN

Inquirer Libre - Davao - - ENTERTAINMENT -

CAPRICORN AQUARIUS PISCES ARIES TAURUS GEMINI CANCER LEO VIRGO LIBRA SCORPIO SAGITTARIUS

Buhok mo, mas makulay pa sa love life mo. It’s better to be single than in a relationship pero kabit naman. Ang bagal mo na ngang mag-seen, ang bagal mo pang mag-reply. Mag-ingat sa pag-ibig, nangangain ng tanga ‘yan. Hirap magtiwala lalo na sa mga taong magaling mangaliwa. Sa hinaba-haba ng prusiyon, bading pa rin ang makakarelasyon. Walang matinong lalake sa malanding kumpare. Pag may alak, may balak; pag may tiyaga, may syota. Pag iniwan ka ng mahal mo, never say die, tomorrow is another guy. Ang babaeng malandi, kombi ng lasagna at spaghetti—laspagna! Dami n’yong tawagan noon, bakit "uy" na lang ngayon? Hindi mahalaga kung may ka-date sa 14, basta may sweldo sa 15. Mapapagod pero di bibigay...alang-alang sa mga bayarin. Valentired ka ba? Napagod sa dami ng gastos sa V-Day? Date sa Valentine’s Day is life, but sahod is lifer. Yung love niya parang sweldo mo—ang bilis naglaho. Utang mo mas tumatagal kesa sa mga relasyon mo. Kapal, besh. Keep calm...paubos na naman ang sahod. Kasusuweldo pa lang, dukha ka na agad? Success story: Trabaho--> sweldo-->bayad utang Kung hindi uukol, wag kag emotera! Huli man daw at magaling, undertime pa rin. Boring ‘yung teacher? Baka kulang ka lang sa tulog. Bakit mo ikakahiya ang eyebags mo, e pinagpuyatan mo yata ‘yan. Hindi lahat ng ahas nasa gubat, karamihan nasa friendlist mo. Aanhin mo ang kapeng matapang kung nanlalamig ka naman? Ang taong makapal ang mukha, forever walanghiya. Siguro kaya tayo iniiwan kasi mataba tayo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.