Wag kalimutan mag-tip By Working Force

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - ALAN TANJUSAY

Ang tip ay ibinibigay ng isang customer na nasiyahan sa magandang serbisyong ginawa sa kanya.

Pero madalas ay kinakalimutan na ito o sadyang hindi na nagbibigay ng tip dahil dahil marami nang sumisingil ng service at delivery charges.

Kapag kasama sa bill ninyo ang service charge, kung sakali kayo’y kumain sa isang restaurant, hindi lahat ng ito ay napupunta sa crew o mga empleyado.

Fifteen percent nito ay kinukuha ng may-ari ng business establishment para sa mga nasira na mga utensil o equipment habang ang 85 percent ang ibinibigay sa empleyado.

Maraming employers at may-ari ng mga negosyo ang nagco-comply rito. Merong ilan ang ibinubulsa ang buong service charge. Maaring i-report ang mga iyan sa Bureau of Internal Revenue at Depart- ment of Labor and Employment. Malaki at retroactive ang parusa sa mga violators.

Iba naman sa delivery charge na sinisingil sa pagpapadeliver ng pagkain, sulat, package at iba pang commodities. Ang buong service charge ay dapat mapunta sa manggagawang nagdeliver bilang pambayad sa gasolina o kaya ay insurance ng driver.

Hindi lahat trabaho ay may angkop na service at delivery charges. Kailangan mag-apply muna sa BIR at ipaalam muna sa DOLE bago sumingil ng mga nito.

Ang tip naman ay bolunatryong ibinibigay sa kahit na sinong manggagawa na nakapaghatid ng maganda, pulido o kaaya-ayang serbisyo.

Hindi na kailangan ng permiso sa BIR at sa DOLE para sa tip, dahil kusa nga itong iniaabot nang nasiyahang kliyente o kostumer.

Pero hindi dapat mag-impose ng tip. Pero hindi masamang mag-request, yun nga lang, pangit para sa kulturang Pinoy ang ganito.

Gandahan lang ang serbisyo, ngumiti palagi at di manghihinayang ang kostumer na magbigay ng tip.

I encourage you, bes, na magbigay ng tip di lang sa waiters, kundi sa inyong suki sa palengke. Bigyan din ninyo ng tip ang cashier, bagger, janitor and janitress, yung "striker" ninyo sa opisina, gasoline attendant, street sweeper, garbage collectors, sekyu, messenger, delivery man, pedicab, jeepney driver, bus driver at konduktor kung nasiyahan kayo sa kanila.

Kahit magkano, huwag kalimutan mag-tip!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.