FEBRUARY 25, 1986

Inquirer Libre - Davao - - ENTERTAINMENT -

Curious ka ba sa kung ano-ano ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan (o 'yung mga tinatawag na Gen-xers) sa araw na ito maliban sa makisaya sa Edsa dahil napatalsik na ang diktador na si Marcos.

MUSIC

Sikat sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, pero most kids then were glued to the radio listening to foreign acts.

Top 10 hits sa US (at sa PH na rin)

1. Mr. Mister - Kyrie

2. Whitney Houston - How Will I Know

3. Starship - Sara

4. James Brown - Living In America

5. Sade - The Sweetest Taboo

6. Billy Ocean - When The Going Gets Tough, The Tough Get Going

7. The Dream Academy -

Life In A Northern Town

8. Mike + The Mechanics - Silent Running

9. Atlantic Starr - Secret Lovers

10. Heart - These Dreams

TV

Dahil wala pang cable at iilan-ilan lang ang mga imported series and shows, gaya ng A-Team at Miami Vice, hataw ang offerings from BBC 2, Channel 7, RPN 9 and IBC 13.

Ilan sa mga well-loved and mostwatched noong kasagsagan ng Edsa Revolution ang mga sumusunod: Student Canteen, Eat Bulaga, See True, Suerte sa Siyete, Lovingly Yours, He- len, Kahapon Lamang, John and Marsha, Batibot, Kaluskos Musmos, Kuarta o Kahon, Ang Bagong Kampeon, Aawitan Kita, Superstar, Goin Bananas, Ora Engkantada, Chicks to Chicks, at TODAS.

MOVIES

Sa maniwala kayo o sa hindi ay marami pa ring mga Pinoy ang sumugod sa mga sinehan kahit pa kabi-kabilaan ang mga rally. Tinao man ang Edsa, pinilahan din ang mga pelikulang lokal tulad ng Unfaithful Wife, Kailan Tama ang Mali, Bagong Hari at Kamagong at mga Hollywood movies na Delta Force, Pretty in Pink, Iron Eagle, F/X, Quicksilver, The Hitcher at 9 1/2 Weeks.

FASHION

Yellow man ang color of the day, marami pa rin sa mga sumugod sa Edsa at sa Malacanang, ang hindi nakalimutang pumorma.

Spotted ang mga girls sa kanilang shoulder pads, super baggy na pants at teased na bangs na tinadtad ng Aquanet hairspray para kahit sumugod sa mga tangke ay di magugusot. Habang ang mga boys naman ay parang dinilaan ng baka ang de-siyeteng buhok (mullet) dahil sa dami ng ipinahid na gel. Hindi kumpleto ang porma kung hindi naka-baston na pantalon at Mighty Kids na sneakers. Mawawala rin ba ang Wayfarer na shades, Walkman sa beywang at boombox sa balikat?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.