NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

HINDI dededmahin ni Vice President Leni Robredo ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ngayong araw kahit pa umano ipahiya siya nito sa kanyang idedeliber na speech.

Ayon kay Robredo, sanay na siya na mainsulto ni Duterte, ngunit meron umano siyang obligasyon na dumalo sa SONA bilang pangalawang pangulo. Gayunman, umaasa si Robredo na maririnig sa pangulo kung paano nito reresolbahin ang mga lumalalang problema ng bansa.

"Sa darating na third SONA, gusto natin pakinggan ang mga issue na bumabagabag sa ating bansa, gaya ng inflation rate, ang pagtaas ng unemployment rate, ayon sa latest survey despite economic growth, at saan na ba patungo itong campaign against illegal drugs,” pahayag ni Robredo.

ILANG araw bago pa ang SONA ay nagpasabi na si dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi siya dadalo. Hindi naman nito sinabi ang dahilan kung bakit di siya dadalo.

Ni isang beses ay hindi pa dumalo si Aquino sa nakalipas na dalawang SONA ni Duterte.

ASAHAN na bago pa ideliber ni Pangulong Duterte ang kanyang SONA ay malalagdaan na nito ang Bangsamoro Basic Law na pinangalanan na Bangasamoro OIganic Law.

Noong Miyerkules nang aprubahan sa bicameral conference ang panukala na ilang taon ding munang pinag-aralan at dininig.

ILANG bahagi ng Commonwealth Avenue ang isasara ngayong araw para sa ikatlong SONA ng pangulo na gagawin sa House of Representatives sa Batasang Pambansa. Alas-4 ng hapon nakatakdang iaddress ng pangulo ang buong bansa para ipaalam dito kung ano ang kalagayan nito sa kasalukuyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.