SWELDO MO, PRESYO NG BILIHIN, KUMUSTA NAMAN?

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE - -Leifbilly Begas

BUMUTI ba ang buhay mo o medyo kinailangan ang lalo pang paghihigpit ng sinturon ngayong ramdam na ramdam ang pahirap na pahirap na buhay?

Talaga namang walang pupuntahan ang presyo ng mga bilihin kundi tumaas sa paglipas ng panahon. Ang tanong na lamang ay kung gaano ba ito kabilis, at hanggang kailan ito keri?

Hulyo 2016 nang umupo si Pangulong Duterte sa Malacanang.

At ngayong ikatlong State of the Nation Address niya, hindi maikakaila ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin. Hindi naman maaaring dedmahin na gumalaw rin naman ang sweldo ng mga mini- mum wage earners.

Bago umupo si Duterte ay P491 ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) at itinaas sa P512 noong Ok- tubre 5, 2017.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin, umaapela ang mga labor groups na itaas ang sweldo para makaagapay sa mga gastusin.

Ikaw, sumasapat ba o talagang pahirapan na ang sweldong natatanggap mo ngayon?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.