PULISYA MAS INSPIRADO NGAYON

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

MATAAS ang moral ng mga miyembro ng Philippine National Police, ayon sa hepe ng National Capital Regional Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Ito ay base na rin sa nakaraang survey at maging sa direktibang binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong nakaraang Lunes kung saan tinukoy nito ang magandang trabaho ng PNP.

“We’re inspired, we’re motivated with what is happening in the country. Itutuloytuloy natin ‘yong mga magagandang ginagawa natin,” pahayag ni Eleazar sa isang forum kamakailan sa Quezon City.

Bago pa i-deliver ni Duterte ang kanyang Sona, lumabas ang isang survey na nagsasabi na may "significant accomplishment" ang mga ahensiya ng pamahalaang Duterte sa pangunguna ng PNP.

Ayon sa survey ng Pulse Asia, pito sa 10 Pilipino ang naniniwala na ang pagsugpo sa ilegal na droga ang “most important” accomplishment ng administrasyong Duterte.

Ginawa ang survey mula Hunyo 15 hanggang 21.

Sa Kanyang Sona, inatasan ni Duterte ang PNP na paigtingin pa ang kampanya kontra droga.

Bagamat nakikita ng publiko ang effort ng PNP sa pagsugpo ng problema sa droga, sinabi ni Eleazar na mas paghuhusayan pa nila ang kanilang trabaho.

“Syempre kami, along the way, we want improvement,” anya pa.

Dahil mataas ang moral, hapi-hapi muna ang mga pulis kahit noong panahon ng Sona ni Pangulong Duterte. INQUIRER

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.