Gay Luv (LGBT couples in showbiz)

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - -Marlene Padiernos, trainee

Wala nang gulat factor ang paglitaw ng mga LGBT couples sa showbiz, pwera na lang siguro kung maglaladlad ang mga hearthrobs na matagal nang natsitsismis na bading at ibabandera nila ang kanilang mga jowa.

Recently, rumampa sa Pride March ang ex ni Sam Milby na si Mari Jasmin at ang kanyang GF na si Sam Lee. Nandiyan din ang couples na Ice Seguerra and Liza Dino, Boy Abunda and Bong Quintana, at Prince Stefan and Paolo Amores. Eto pa ang ilan.

TRIXIE MARISTELA AND ART STA. ANA

Long-term relationship ang ganap ng Miss international Queen 2015 na si Trixie at papa niyang si Art. Sa sobrang inspired ng lalaki sa kanilang queer relationship ay he penned a book entitled "He's Dating The Transgender."

JAKE ZYRUS AND SHYRE AQUNO

In a relationship uli si Jake. This time sa nutritionist at fitness instructor na si Shyre Aquino. Happy raw ang singer sa bago niyang relationship, which he has kept private para di raw ma-nega ng mga bashers.

ATE GLOW AND MR. HAMPSHIRE

Ate Glow met the man of her dreams sa UK. They dated for 18 months before they decided to tie the knot in London.

Boobay and Kent Juan Resquir Physical therapist ang partner ng comedian at drag queen na si Boobay. According to the actor, happy and contented siya sa kanyang relasyon. TIM YAP AND JAVI MARTINEZ Business partners sina Tim at Javi na parehong mula sa event organizing industry. Noong ika40th birthday ni Tim ay nag-propose ito kay Javi. Ikinasal sila sa New York on Christmas.

ROSANNA ROCES AND BLESSY ARIAS

Naging mag-jowa sina Rosanna at Blessy noong teenager sila. Nagkahiwalay sila nang mabuntis si Osang at magpakasal sa BF niya. They reconnected after several years at dahil parehong unattached ay they decided to give their love a second chance.

ARNELL IGNACIO AND KEN PSALMER

Nag-propose si Arnell kay Ken noong 2015 pero walang naganap na wedding dahil sa dami nilang isyu. Pero naayos na raw ang mga problema kaya back in each others’ arms ang drama ng mag-partner.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.