PHILIPPINE BLU GIRLS HAHATAW SA WORLD CHAMPIONSHIP

Inquirer Libre - - SPORTS -

HANGAD na makarating sa Olympics, magpapakitang gilas ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball World Championship 2018 na gagawin mula Agosto 2-12 sa Chiba, Japan.

Isa ang World Baseball Softball Confederation- sanctioned competition sa apat na eksklusibong international tournaments na qualifier para sa 2020 Tokyo Olympics.

Masisikwat ng magkakampeon o runner-up (sakaling Japan ang magwagi) ang isa sa anim na silya sa 2020 Games. Awtomatikong pasok na ang Japan bilang ito ang host country.

"The Blu Girls are the strongest national team ever assembled and they have shown it last year by consistently beating Top 10 teams in the world," sabi ni Amateur Softball Associa- tion of the Philippines president Jean Henri Lhuiller.

Binubuo nina Lorna Adorable, Cheska Altomonte, Mary Ann Antolihao, Dianne Arago, Layca Basa, Arlyn Bautista, Garie Blando, Shaira Damasing, Sky Eleazar, Reese Guevarra, Ezra Jalandoni at Serra Lange ang Blu Girls.

Magsisilbing paghahanda rin ito ng bansa para sa 18th Asian Games sa August 18-September 2 sa Indonesia.

Hinati sa dalawang grupo ang 16 na kalahok mula sa limang Olympic continents.

Makakaharap ng World No.15 Philippines sa Group A ang No.1 USA, No.5 Chinese-Taipei, No.6 Puerto Rico, No.7 Mexico, No.8 Netherlands, No.11 New Zealand at No.35 South Africa habang magbabakbakan ang No.2 Japan, No.3 Canada, No.4 Australia, No.9 Italy, No.14 China, Great Britain, No.17 Venezuela at No. 33 Botswana sa Group B.

Blu Girls. AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES FACEBOOK

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.