'SINGLE' HAPPY NA ULI SA EDSA

Inquirer Libre - - NEWS -

SINGLE man may happiness din! Balik-ligaya na makadaan muli sa Edsa ang mga solo sa sasakyan na bumabaybay rito kahit pa rush hour.

Ito ay matapos suspindehin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng highoccupancy vehicle (HOV) scheme sa Edsa na nakatakda sanang pormal na ipatupad sa Huwebes, Agosto 23.

Sinabi ng MMDA na nakatakda itong makipagpulong sa Metro Manila Council (MMC) bago ang implementasyon ng polisiya.

“’Yung ating full enforcement on August 23 will be suspended for a while, until magconvene ‘yung Metro Manila Council,” sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Nauna nang ipinatupad ng MMDA ang dry-run ng ban ng mga "singles" sa Edsa, na tatagal hanggang Agosto 22.

Sa ilalim ng "singles" ban, bawal dumaan ang mga sasakyan na walang sakay na pasahero sa kahabaan ng Edsa tuwing rush hour.

Ilang senador na rin ang nananawagan na huwag ituloy ang nasabing ban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.