P5 MILYON PARA SA ASIAD GOLD MEDALIST

Inquirer Libre - - SPORTS -

LIMANG milyong pisong insentibo ang nakatakdang matanggap ng bawat pambansang atleta na magwawagi ng gintong medalya sa 18th Asian Games.

Ito ay matapos makisalo ang Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation sa pagbibigay ng cash reward para sa mga medal winners ng bansa.

Inihayag mismo ng pribadong organisasyon ang pagbibigay ng reward sa gold medalists na P1 milyon habang ang magwawagi ng pilak ay may P500,000 at ang makakasungkit ng tansong medalya naman ay may P250,000.

Bukod pa ito sa Revised Incentive Act o Republic Act 10699 na nagbibigay ng P2 milyon sa mga gold medalists at sa POC na nagtakdang magbigay din ng P2 million cash gift kaya aabot sa P5 milyon ang matatanggap sa bawat ginto.-

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.