1 silver, 3 bronze medal para sa Team Pilipinas

Inquirer Libre - - SPORTS -

NAKAPAG-UWI ng isang pilak at tatlong tansong medalya ang Pilipinas mula sa 2018 King’s Cup Sepak Takraw World Championships na ginanap kamakailan sa Nakhon Rachasima, Thailand.

Kahit pa mga baguhang atleta ang pinadala rito ng bansa ay nakipag-sabayan pa rin ang mga Pilipino laban sa mga manlalaro ng 31 iba pang bansa sa torneyo.

"We have tapped new athletes purely for exposure, but we still ended up with good results," sabi ni Pilipinas Sepak Takraw Association Inc. president Karen Tanchanco-Caballero.

Ang pilak na medalya ay nakuha ng PH women’s team sa premier hoop category at ang tatlong tanso ay mula sa PH men’s squad sa premier hoop, regu at team regu.

"It was a great showing for our sepak takraw players despite having a new lineup. Again, they made our country proud," saad naman ni Go For Gold top executive Jeremy Go na sumuporta sa kampanya ng koponan sa Thailand.

Ang PH women’s squad ay binubuo nina Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat.

Kabilang naman sa PH men’s team sina Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Emmanuel Escote, Joshua Gleen Bullo, Alvin Pangan, John Carlo Lee at John John Bobier.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.