NCAA SEASON 94 FINAL FOUR: MATIRA ANG MATIBAY/

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

MAY natitira pang isang playing day ang NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Martes, Oktubre 23, pero noong isang linggo pa naplantsa ang tapatan ng apat na koponan sa Final Four.

Magtatapos na numero uno sa elims ang nagdedepensang kampeong San Beda University habang papangalawa naman ang Lyceum of the Philippines University.

May tangan na twice-tobeat advantage ang SBU Red Lions at LPU Pirates sa semifinal round na ang ibig sabihin ay isang panalo lamang ang kailangan nito laban sa kanilang katunggali sa Final Four para makabalik sa NCAA bestof-three Finals.

Sa Final Four, na maguumpisa sa Biernes, Oktubre 26, ay makakasagupa ng Pirates ang Letran Knight habang makakalaban naman ng Red Lions ang season host Perpetual Help Altas.

Bagaman llamadong maituturing ang San Beda at Lyceum na nagharap din sa Finals noong isang taon ay may tsansa pang makaagaw-eksena ang dalawang iba pang semifinalist lalo na ang Letran na ginulat ang Lyceum, 80-79, sa ikalawang round ng elims.

Pero ibang usapan ang Final Four. Tiyak na hindi magpapabaya ang Lyceum at San Beda na inaasahang tatapusin agad ang Final Four.

Sasandal si San Beda head coach Boyet Fernandez kina Robert Bolick, Ranbill Tongco, Pierre Tankoua at Javee Mocon habang aasa naman si Perpetual Help coach Jimwell Gican naman ay aasa kina Prince Eze, Edgard Charcos, Jielo Razon, AJ Coronel at Kim Aurin.

Inaasahang magbibida naman para kay Lyceum coach Topex Robinson sina CJ Perez, Mer Jesper Ayaay, Kim Cinco, Mike Nzeusseu at sina Jaycee at Jayvee Marcelino habang magpapakita ng gilas para sa Letran ang mga kamador ni coach Jeff Napa na sina Larry Muyang, Bong Quinto, JP Calvo, Christian Fajarito at Jerrick Balanza.

Noong isang taon winalis ng San Beda ang Lyceum sa Finals, 2-0.

Ang Red Lions ay may NCAA record 21 titulo sa men’s basketball. Pumapangalawa naman ang Knights na may 17 kampeonato.

Ang Pirates at ang Altas ay hinahanap pa rin ang una nilang korona sa liga.

KNIGHTS

RED LIONS

ALTAS

PIRATES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.