Mas mabigat na parusa laban sa game fixing

Inquirer Libre - - SPORTS - -Leifbilly Begas

INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang baguhin ang batas kaugnay sa game fixing at pabigatin ang parusa sa mga lumalabag.

Layunin ng AntiGame Fixing bill (House bill 8204) na gawing patas at competitive ang sports sa bansa.

Ayon sa panukala, ang game fixing ay ang paggawa ng isang tao o pakikipagsabwatan nito upang kausapin o pilitin ang isang professional o amateur player na huwag gawin ang kanyang dapat na gawin sa laro o di kaya ay huwag maglaro ng 100 percent upang makamit ang ninanais na resulta.

Ang mga lalabag sa panukala ay makukulong ng anim hanggang 12 taon at pagmumultahin mula P1 milyon hanggang P5 milyon.

Ang kasabwat na player, promoter, referee, umpire, judge, coach at mga katulad na personalidad sa game fixing ay madidiskuwalipika rin sa paglalaro sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.